Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGPUPUYOS sa galit ang dalawang Kapamilya aktres na sina Sue Ramirez at Maris Racal sa mga larawan nilang photo edited.
Hindi nagustuhan nina Sue at Maris ang pagpapakalat ng pekeng piktyur nilang hubad.
Ni-repost pa nga ni Sue ang original na picture nila ni Maris na parehongg naka-two piece.
Tinawag ng dalawang aktres na baboy at demonyo ang nagpapakalat nito at walang magawa.
Dahil sa ngitngit ay sinabi rin nina Sue at Maris na manyak at walang utak ang gumawa at nagpakalat ng nude pics nila.
Kahit ang talent management nina Sue at Maris ay nagbabala na tigilan na ang pagpapakalat ng mga pekeng larawan ng dalawang Kapamilya aktres.
Kapag ‘di pa nga raw nasawata ito ay may legal action na silang gagawin para maprotektahan ang kanilang dalawang talents.
Nakiusap din si Sue sa kanyang 8.1M followers na ipagbigay alam sa kanya kung mapasahan sila ng mga nasabing larawan.
Ayaw na nga raw sana nila magsalita pero patuloy itong kakalat online kaya unalma na sila sa may promotor nito.
***
Kaugnay nito ay naglabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN hinggil sa kontrobersyal na isyu:
PAHAYAG SA MGA PEKENG LITRATO NINA SUE RAMIREZ AT MARIS RACAL
Nakarating sa amin ang mga malisyoso at edited na litrato ng aming mga Kapamilyang sina Sue Ramirez at Maris Racal na kumakalat online.
Kinukundena ng ABS-CBN at Star Magic ang iligal na pangmamanipula ng mga litrato ng mga artista at kahit na sino dahil ito ay isang uri ng gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.
Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagkakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media. Ang kapakanan ng aming talents ang pinakamahalaga sa amin, kaya naman hindi kami magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito.
Dapat ay tinatrato ang lahat nang may dignidad at respeto, kahit na sa social media.
***
John at Ellen, kampanteng ‘di masisibak ang sitcom
LAST January 17 taong kasalukuyan ay tatlong TV shows ang natigbak. Nauna na rito ang Sunday Noontime Live, Got You at ang Sunday Kada.
Dito nga raw sa sitcom na pinagbibidahan nina Ellen Adarna at John Estrada na John & Ellen ay tiwala sila na ‘di masasama or maihehelera na natigbak sa TV5 dahil sa poor rating.
Ayon sa dalawang bida, mas lalo raw nilang pagbubutihan ang kanilang sitcom.
Aayaw raw nila na matulad sa mga naunang TV show na natigbak dahil sa mababang rating.
Mas pagagandahin pa raw nila ang kanilang show at kung si Ellen ang tatanungin ay mas feel nito na comedy ang kanyang gawin.
Maganda nga raw ang lock in taping ng kanilang sitcom at five days lang para magkaroon ng time sa anak na si Elias.