Advertisers

Advertisers

2 ang mayor sa Jaen, Nueva Ecija

0 405

Advertisers

NAGTUNGO ang kampo ni Mayor Sylvia Austria sa munisipyo upang sumunod sa desisyon ng COMELEC na muling makabalik sa munisipyo ng maayos nitong Lunes, Enero 25.
Subali’t ang gate ng munisipyo ay nakakandado. Kaya hindi makapasok ang abogado ng sinasabing lehitimong mayor ng bayan ng Jaen, Nueva Ecija at upang isilbi sana ang ipinasang re-solusyon ng Sangguniang Bayan (SB) na si Austria ang kinikilalang alkalde.
Nagkaroon pa ng bahag-yang tensyon sa pagitan ng mga taga-suporta ng mag-kabilang kampo matapos na mabuksan ang gate na ginamitan ng bolt cutter at sumalubong ang tropa ng nakaupong mayor, Antonio Esquivel, at pilit na itinataboy ang mga pumapasok.
December 22, 2020 nang bumaba sa pwesto si Austria upang tumugon sa desisyon ng korte na pumabor sa electoral protest ni Esquivel.
Subalit nito lamang Enero 12 ay muling nagkaroon ng panibagong desisyon na nagsasabi na si Austria ang lehitimong Mayor ng bayan ng Jaen, batay narin sa ‘status quo ante’ order na inisyu ng 2nd division ng COMELEC.
Samantala, nag-deploy na ng grupo ng mga pulis sa munisipyo upang matiyak na walang magaganap na kaguluhan.