Advertisers
Nakikita na naman natin ang eksenang pag-iimbestiga o pagtugis sa mga pamantasang nagtatanggol sa academic freedom at malayang pamamahayag tulad ng ginagawa ngayon ng AFP sa UP. Nangyari na ito noong martial law. Pilit na pinalalabas komunista, sedista ang mga aktibong estudyanteng nagbubulgar na kabulukan sa nasa poder ng kapangyarihan. Kopyang kopya ng gayagayang amo sa malakanyang ang estilo ng kanyang modelong diktador ng napatalsik noong EDSA revolution. Para daw protektahan ang seguridad ng bansa, na ang totoo ay takutin ang mga kritiko at manatiling nakakapit-tuko sa pwesto. Di ba? – Juan Matyag
PNP pensioners basahin ninyo ito…
Nakakuha na ng pension ang mga retired na police Jan 20, Wed. Baka yong dumaing na police hindi nag-update sa Crame PRBS. Taon-taon nagre-report kami sa Crame para update, malaman ng Crame na buhay pa kami tuwing sa araw ng bday mo. – Ret. Col. Baltazar
Illegal terminal sa Quiapo perwisyo
sa mga naglalakad at motorista
GUD AM P0. SANA PO MAKARATING KAY Y0RME ISK0 ANG ABUSAD0NG PARKING B0Y NA HINDI NAMAN TAGA -CITY HALL. SA UV AT PASIG NA BIYAHE LANG PO NAGTATAWAG ITO AT PINAGYAYABANG PA ANG PERANG KINIKITA NYA SA PAGPA-PARKING. PASIG PO ANG TAWAG SA KANYA. MALAKAS MAGLAGAY SA PULIS AT MPTB B0YS! HAL0S WALA NA MADAANAN DITO SA VICT0RY LACS0N UNDERPASS PO! MADAMING SALAMAT P0! – CONCERNED CITIZEN