Advertisers

Advertisers

MISTER NAGBITI NANG PAGTAKSILAN NI MISIS

0 220

Advertisers

Cagayan – Nagpakamatay ang isang mister nang mabuking ang pagtataksil ng kanyang live-in partner sa Pamplona, Cagayan.
Nagbigti gamit ang kumot si Noliemar Lorenzo, 27-anyos, ng Barangay Cabaggan, Pamplona.
Napag-alaman na ito ang pangatlong beses na nagtangka magpakamatay si Lorenzo.
Bago ang insidente, nagkaroon ng away ang biktima at ang live-in partner nitong si Rowena Imperial matapos mabuking ng una ang pagtataksil ng huli.
Mismong ang anim na taon gulang na anak ng mag-asawa ang nakadiskubre sa ginagawang pagtataksil ng ina sa kanyang ama.
Ito ang nakikitang dahilan ng pulisya sa pagpapakamatay ni Lorenzo. – REY VELASCO