Advertisers

Advertisers

Bomba inilagay sa tabi ng daan, sumabog: 1 patay, 1 sugatan

0 239

Advertisers

NASAWI ang isang motorcycle rider habang sugatan ang angkas nito nang sumabog ang isang bomba na itinanim sa gilid ng daan sa South Upi, Maguindanao, Lunes ng umaga.
Nakilala ang nasawi na si Alberto Delos Santos ng Lebak, Sultan Kudarat. Habang nilalapatan ng lunas sa Cotabato Regional and Medical Center ang sugatan na si Loreto Palma Jr., 54, ng Barangay Purikay, Sultan Kudarat.
Sa report, 5:45 ng umaga nang maganap an pagsabog sa national highway sa Brgy. Romongaob, South Upi.
Sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na patungo sa Cotabato City para sa medical check up nang habang binabaybay ang kahabaan ng highway nang biglang may sumabog sa gilid ng kalsada.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Mark Obleada)