Advertisers

Advertisers

4 patay sa salpukan ng motorsiklo at pick-up truck

0 228

Advertisers

NASAWI ang 4-anyos na bata at 3 pa nang banggain ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang pick-up truck sa Upper Tungawan, Zamboanga Sibugay, Lunes ng tanghali.
Kinilala ang mga biktima na sina Diosdado Villaruz, 46 anyos; Arnold Cabusao Arquiza, 34; Hazel Pepito Wamilda, 33; at batang si Zian Arquiza.
Nakaligtas ang isang taon gulang na si Ariane Arquiza.
Sumuko sa pulisya ang driver ng pickup Toyota Hilux (P4M714) na si June Rey Albios Siete, 23.
Ayon sa ulat, 12:00 ng tanghali nang maganap ang aksidente.
Patungo sa Ipil, Zamboanga ang pick-up nang sakupin nito ang kabilang lane at nakasalubong ang motorsiklong minamaneho ni Villaruz na may angkas na apat.
(Mark Obleada)