Advertisers
TODAS ang dalawang tulak ng iligal na droga nang makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Bustos, Bulacan nitong Martes ng umaga.
Sa report ng Drug Enforcement Unit ng Bustos, nakilala ang isa sa napatay sa alyas na “Harly” habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pa. Ang dalawa ay kapwa armado ng kalibre .38 na baril.
Nakuha sa mga napatay ang 14 plastic sachets ng shabu, cal. 38 revolver na Smith at Wesson na may serial number 56280 at isa pang cal.38 revolver na may serial number 880977. (Thony D. Arcenal)