Advertisers
UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na muling pag-aralan ang pagpayag nilang makalabas na ng bahay ang mga batang nasa edad 10 hanggang 14.
Sinabi ni Go na delikado pa ang sitwasyon at bilang patunay, tatlo sa 16 na bagong kaso ng COVID-19 ay nasa edad 18-anyos pababa.
Ipinaliwanag ni Go na delikadong mas kumalat ang virus sa mga bata lalo pa at malilikot ang mga ito at mahirap kontrolin kapag lumabas ang mga ito.
Kaugnay nito, posibleng maging dahilan ito ng mas mabilis at mas maraming mahawa sa COVID-19 lalo pa at karamihan sa mga batang positibo sa virus ay asymptomatic
Binigyang-diin ni Go na wala namang dahilan para magmadali sa pagluluwag sa restriction paritkular sa mga bata.
Mas mabuti aniyang hintayin na lang na magkaroon ng bakuna sa bansa laban sa COVID-19. (Mylene Alfonso)