Advertisers

Advertisers

Philippine National Games Act, isinulong ni Bong Go sa Senado

0 246

Advertisers

ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 2001 o ang Philippine National Games Act na magpo-promote at magpapalakas sa long-term sports development program sa bansa.

“I continue my advocacy to promote sports in the country with this bill that, I know, will further the development of our sports programs and eventually shape more athletes into champions,” ani Go.

Isa sa pakay ng nasabing bill ay ma-institutionalize ang komperehensibong national sports program upang ang grassroots sports ay mai-promote tungo sa elite sports.



“Naniniwala ako na ang sports ay isang paraan upang mabigyan natin ng holistic growth ang ating kabataan at ilayo sila sa mga masasamang bisyo, tulad ng iligal na droga,” pahayag ni Go.

Nais ng senador na lumaki ang ating kabataan na may disiplina, pakikipagtulungan, bayanihan at higit sa lahat, pagmamahal sa bansa na sa sports aniya masisilayan.

Hinihimok ng nasabing panukala ang local government officials na palakasin at paunlarin ang isports sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kumpara sa Palarong Pambansa, ang PNG ay may layong paigtingin ang sports competition na magtutuklas sa talento ng mga, kahit sa mga hindi kabataang hindi pumapasok sa paaralan.

Pangarap ng bill ni Go na magkaroon ng national pool na magsasanay sa mga kabataang isasabak sa pandaigdigang kompetisyon sa palakasan.



Kung magiging ganap na batas, ang Philippine National Games’ management, coordination at implementation ay dadalhin ng Philippine Sports Commission.

Magiging malaking tulong din ito upang maharap ang mga hamon ng iba pang international competitions, gaya ng Olympics at Asian Games.

Sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na idinaos sa bansa noong 2019, ang Pilipinas ang naging overall champion.

“Kung maganda ang ating sports program sa bansa, hindi malayong maraming kabataang Pilipino ang sasali na sa mga programa. Kaya naman dapat mabigyan natin ng buong suporta, lalo na sa financial aspect at development programs, ang ating mga atleta,” paliwanag ni Go.

Matatandaang iniakda rin ni Go ang Republic Act 11470 na nilagdaan upang maging batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatatag sa National Academy of Sports.

Ang NAS ay nagbibigay ng full scholarship sa qualified natural-born secondary school students.

“Patuloy kong hinihimok ang ating mga kabataan na pumasok sa sports. Sa pamamagitan ng pagsulong ng mga panukalang ito, maibibigay natin ang suporta sa kanila,” anang senador. (PFT Team)