Advertisers
INANUNSYO ng MTK Global na sina Filipino boxers Donnie Nietes at Albert Pagara ay muling sasampa sa ring sa Abril.
Ang fight card ay nakatakda sa Abril 23, pero hindi pa sinabi ng promotions ang kanilang makakalaban pareho nina Pagara at Nietes.
Ito ang unang pagkakataon na ang dalawang fighters ay sasabak sa ilalim ng MTK Global mula pumirma sa promotions nakaraang taon, nang magsara ang ALA Promotions dahil sa COVID-19 pandemic.
Nietes, four-weight division champion, ay hindi pa lumaban buhat noong December 2018, matapos masikwat ang split decision win laban kay Kazuto Loka ng Japan para sa bakanting WBO junior-bantamweight title.
Habang si Pagara, ay huling sumabak noong November 2018, nang patulugin si George Krampah sa Cebu.
Ang April card ay bahagi ng “Dubai Fight Series” na ilulunsad sa susunod na buwan sa Dubai at e-aire sa United States via ESPN. Ang first card ay tampok si Lee McGregor kontra Karim Guerfi para sa kanyang European bantamweight title, at Sean McComb vs Gavin Gwynne para sa bakanting Commonwealth lightweight title sa Pebrero 6.
Ipagpatuloy ang aksyon sa Marso 12, Tampok si Tyrone McKenna vs undefeated Zhankosh Turarov para sa brilliant super-lightweight bout, habang depensahan ni Lewis Crocker ang kanyang WBO European welterweight title kontra Deniz Ilbay, at Gary Cully vs Viktor Kotochigov para sa bakanting WBO European lightweight title.