Advertisers

Advertisers

Jazz ginulat ang Warriors

0 271

Advertisers

TUMIKADA si Donovan Mitchell ng 23 points,seven rebounds at six assists upang akayin ang Utah Jazz sa 127-108 wagi laban sa makulit na Golden State Warriors kahapon para sa kanilang ika-walong dikit na tagumpay.
Kumana si Stephen Curry ng limang three-pointers para ilista ang kanyang 2,562 sa kanyang career— at lagpasan si Reggie MIller para sa second place sa NBA history, Ray Allen ang No.1 na may 2,973.
“That’s pretty dope,” Banat ni Curry.”We got our head beat tonight, but I was trying to still enjoy it. After I made the third one, I knew that was a big one, and then to make that fourth one in the third quarter was pretty special. Something I’ve been looking forward to for a very long time.”
Mike Conley umiskor ng 17 points at bumato ng 5 three-pointers para sa Jazz, na abante ng 30 puntos sa halftime at lumubo pa sa 40-point sa pagpasok ng fourth quarter.
Bojan Bogdanovic nag-ambag ng 14 points,seven rebounds at career-high eight assists. Rudy Gobert nagdagdag ng 11 points at 14 rebounds habang anim na Utah players pa ang umskor ng double figures.Curry nagtapos ng 24 points,seen rebounds at seven assists upang pangunaan ang Golden Stat. Wiggins at Wiseman bumakas ng tig-13 puntos.