Advertisers

Advertisers

Inabandonang bahay sa QC, nasunog; 2 bumbero, sugatan

0 211

Advertisers

Sugatan ang dalawang bumbero nang tangkaing apulain ang apoy na tumupok sa isang abandonadong bahay sa Brgy. South Triangle, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ng ‘minor abrasion’ sa kaliwang kamay si FO2 Dariel Resonable, ng La Loma Fire Station; habang ang fire volunteer naman na si James Pilapil, nagtamo ng 1st degree burn sa kanyang kaliwang kamay.
Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog 11:00 ng umaga (January 24) sa unang palapag ng 2-storey abandoned house, na matatagpuan sa Panay Avenue, sa Brgy. South Triangle, at sinasabing pagma-may-ari ng isang Mr. Lino.
Umabot sa unang alarma bago tuluyang idineklarang under control ang sunog 12:00 ng tanghali at tuluyang naapula pagsapit ng 12:42 ng hapon.
Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok at wala namang iba pang tahanan o establisimyento na nadamay dito. Patuloy pang inaalam ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog.(Ernie Dela Cruz)