Advertisers
SA listahan ng Armed Forces of the Philippines na pinost nila sa AFP website tungkol sa mga napatay at nahuli nilang mga miyembro ng New People’s Army, tatlo sa mga ito ay abogado at lumutang na sila’y buhay na buhay at ni minsan ay hindi naging kasapi ng mga rebelde.
Ito’y ang mga “abogado de kampanilya” na sina Atty. Alex Padilla, dating PhilHealth President; Atty Raffy Aquino, isa sa mga bumubuo sa Free Legal Assitance Group (FLAG); at Atty. Roan Libarios, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).
“I find this ‘yong ginawa ng AFP information management center as despicable. I’ve never been with the NPA. I have been with the government for 20 years or more… kaya talagang nakakatawa kung hindi naman nakakalungkot itong listahan,” sabi ni Atty Padilla na naging government chief peace negotiator sa Communist Party of the Philippines noon.
Hiniling naman ni Atty. Aquino sa AFP na mag-apology sa malisyosong pagkakasama ng kanyang pangalan sa listahan ng mga nahuli at napatay matapos sumali sa NPA.
Si Aquino ay graduate ng UP College of Law.
“With the others in the list, I am owed an apology by the AFP in whose website this list appeared. In these perilous times, this malicious inclusion in such a list is hazardous to our health and safety,” diin ni Aquino.
Sabi ni Aquino, never siyang nasangkot sa anumang activities ng NPA. Hindi rin siya nahuli o napatay ng NPA. Heto nga siya buhay na buhay at nagsasalita!
“I was a UP student for 12 straight years, from high school to law school; there was no opportunity for me to be associated in any way with the New People’s Army. Not being NPA to begin with, I was never captured by the military. I also did not have the opportunity to be killed by the military or anyone else; I am very much alive,” ngitngit ni Atty. Aquino.
Dahil sa mga sablay na ito ng AFP sa kanilang NPA list, katakot-takot na mga brutal na komento ng netizens ang inabot ng pamunuan ng militar. Ano raw ba ang nangyari sa daan daang milyon o bilyong intel fund nila at mali-mali ang mga info na nakakalap nito?
Plano ngayon ng mga abogadong ito na magsampa ng Cyberlobel laban sa pamunan ng AFP, malamang sabit rin dito si DND Sec. Delfin Lorenzana.
Pinost ng AFP sa kanilang website ang pangalan ng mga nahuli at napatay kasama ang mga NPA na amano’y produkto ng UP matapos pawalang-bisa ni Sec. Lorenzana ang kasunduan sa pagitan ng UP at DND na binuo noong 1989, kungsaan binabawalan ang mga sundalo na basta nalang papasok sa UP campusses nang walang pahintulot ng pamunuan ng state inversity.
Ang naturang listahan ay tinanggal na sa AFP website matapos luimabas at umalma ang mga abogadong sinasabing nahuli at napatay sa engkuwentro.
Hindi pa nagrereak ang AFP o DND sa palpak nilang NPA list.
***
Katakot-takot na batikos ang inabot ni Pangulong Duterte sa kanyang mga latest announcements tulad ng kuwento niya kung bakit galit na galit siya sa mga NPA, kasi binaril daw sa bunganga ng mga NPA ang kanyang tiyuhin matapos pakainin ang mga rebelde.
May naglabas ng mga larawan na masayang kasama ni Duterte ang mga NPA, kungsaan isinigaw pa niya ang “Long Live NPA.”
Sa kanya namang pagbisita sa Jolo, Sulu, inanunsyo ni Duterte na bibili siya ng anim hanggang pitong choppers kapalit ng bumagsak na chopper kamakailan.
Sabi ng netizens: “Kung pambili nga ng bakuna sa Covid-19 ipinangutang, bibili ka pa ng choppers! Stop fooling us na, na-Duterte mo na kami noong 2016. No more!”