Advertisers

Advertisers

Anak ng ex-mayor ng Marawi City suspek sa pagnanakaw sa jewelry shop

0 223

Advertisers

NILOOBAN ng nasa apat na lalaki ang isang tindahan ng alahas sa Marawi City noong Enero 16, 2021, ayon sa Marawi City Police nitong Sabado.
Ayon kay Police Staff Sgt. Amador Rosales, imbestigador, kasama sa mga suspek ang anak ni dating Marawi City mayor Fahad Salic na si Mahid sa panloloob sa jewelry shop sa Barangay Sugod noong Enero 16, Sabado.
Nasundan at nahanap ng mga pulis ang sasakyang ginamit ng mga nanloob sa isang bahay sa Ditsaan-Ramain, Lanao del Sur, pero wala na roon ang mga lalaki.
Nakuha sa loob ng sasakyan ang drug paraphernalia, 6 sachets ng hinihinalang shabu, at replika ng kalibre 45. na baril.
Nakausap na ng mga pulis ang misis ni Mahid.
“Tinanong ko sa kanya kung sino ang last gumamit ng sasakyan. Sabi niya, asawa niya,” ani Rosales.
Kinumpirma naman ni Noaim Mohamad Macaraya, ang may-ari ng jewelry shop, ang sasakyan at baril na ginamit ng mga magnanakaw.
Aabot sa P2.6 milyong halaga ng pera at alahas ang nilimas ng mga magnanakaw.
Nasugatan dito si Macaraya dahil sa pambubugbog at pananaksak sa kaniya ng magnanakaw.
Kinasuhan na ng robbery at violence against persons si Mahid at mga kasama nito.