Advertisers

Advertisers

2 patay sa barilan sa Davao at Digos

0 318

Advertisers

PATAY ang 2 lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Davao City at Digos City nitong Biyernes.
Sa Davao City, pinatay ang 42-anyos na si Antono Gealon sa loob ng karinderya sa Barangay Cabantian.
Sa ulat, nanananghalian ang biktima nang pumasok sa karinderya ang hindi pa nakikilalang salarin at binaril ito sa ulo.
Posibleng personal na alitan ang motibo sa krimen, sabi ng pulisya.
Patay naman si Florecito Anticamara, 48, habang nasa loob ng tindahan sa Barangay San Miguel sa Digos.
Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima gamit ang kalibre .45 na baril, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.
Nakatakas ang lalaking salarin na naka-denim pants at nakasakay ng motorsiklong walang plate number.