Advertisers

Advertisers

Sino ang nasa likod sa muling pagbubukas ng operasyon ng jueteng sa Rodriguez Rizal?

0 238

Advertisers

KAMAKAILAN nagbanta ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gugulong ang ulo ng mga lokal officials kung hindi masasawata ng mga ito ang ilegal na sugal lalo nat humaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Una nang ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año na kasalukuyang nagpapahinga ngayon dahil sa kanyang karamdaman na imbestigahan ni DILG Barangay Affairs Office Usec Martin Diño ang mga barangay official at Mayors dahil sa mga rekalmong natatanggap ng ahensiya sa diumanoy pagpapabaya ng mga ito sa talamak na operasyon ng “peryahan ng bayan” cum jueteng, namay dalawang beses ang bolahan sa isang araw tanghali at gabi na ayon sa reklamo pinatatakbo ito ng GLOBAL TECH na may prangkisa sa Pangasinan?

Ito ay bunsod na rin sa paglutang ng “untouchable” ng Jueteng operators na si alyas TONY OH na siya ring may hawak ng jueteng operation sa Mindoro at Pangasinan.



Tiniyak din ni Año na ang kanyang banta ay hindi limitado sa bayan ng Rodriguez Rizal kundi maging sa mga lugar na mayroon ilegal gambling na ginagawa.

Sinabi din ni Año na ang malawakang pagsugpo sa ilegal na sugal ay bunsod na rin sa Executive Order No. 13 ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa gambling free.

Ang nakapagtataka lang ay hindi umano ito pinapansin ng lokal na kapulisan at LGU sa kabila ng kautusan ni Pangulong Duterte na puksain ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa buong bansa pero tila binabalewala umano ito maging ang “marching order” ni PNP Chief Debold Sinas, ayon sa mga nagpaabot ng reklamo.

***

Samantala kamakailan lang nagpatupad ng malawakang balasahan sa pwesto sa mga heneral hangggang sa senior official level si PNP Chief, Sinas.



Kabilang nga sa mga senior officer na nabigyan ng bagong posisyon ay si PCol Joseph R. Arguelles kung saan pinalitan nito si PCol Renato S. Alba na nagritero na.

Maganda ang naging kapalaran ng multi-awarded na si Police Colonel na pamunuan ang Rizal, na bukod sa maunlad kaysa ibang probinsiya sa bansa ay marami ring mga galanteng negosyante at pulitiko dito.

Kung may mga napapaulat noon na may nakalaang “PABAON” sa mga magreretirong PNP offcials ay mayroon din naman para sa mga bagong upo, ito ang tinatawag na “PASALUBONG”.

Dapat pag-ingatan ng Col. Arguelles, ang mapang-anyayang kaway ng “PASALUBONG” na umaabot sa milyong piso ang halaga?

Ayon sa impormante, kung may mangahas na maglalakas loob sa Provincial Police Office na mag-usisa hinggil sa “PASALUBONG” malamang ay magsasayang lamang ng panahon pagkat wala namang aamin sa nagaganap na kalakaran dito.

Ngunit ito daw ay naging bahagi o tradisyon ng kapulisan sa nasabing kampo, ayon sa source.

Ayon pa sa source, umiikot na raw ang mga galante ngunit tiwaling pulitiko na ang karantso ay ilan ding mga “scalawag police officials” sa Rizal para mabigyan ng malaking ” pasalubong ” ang provincial command.

Kaya nga raw nagsimula nang magpasugal ng 1-40 numbers game ang mga naturang iligalista sa Rodriguez na dating Montalban Rizal.

Pumalo nanga raw kaagad sa mahigit na Php 1.5 milyon ang kubransa sa unang bola pa-lamang ng perya ng bayan cum jueteng noong Enero 2021 ng gabi sa buong bayan ayon sa source.

Ibig sabihin tumataginting na milyones ang kubransa sa isang araw sa operasyon ng jueteng namay dalawang bola sa isang araw, sa tanghali at gabi?

Kunyari ay binobola gamit na front ang Peryahan ng Bayan na Global Tech na nakabase sa Pangasinan,” na may prangkisa din sa Pangasinan ayon sa source.

Sinasabing pinalilitaw umano ng Global Tech na kunyari ay lihetimong operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sponsored – Perya ng Bayan (PnB) ang pa-jueteng sa Rodriguez Rizal na sinasabing may permiso umano ni PCSO General Manager Royina Garma ayon sa source?

Mahigpit ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng operasyon ng illegal gambling sa buong bansa kung saan naglabas pa ito ng Executive Order No.13 at sa kabila ng kinakaharap na problema ng gobyerno dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay tahasang nilabag naman umano ito ng Global Tech, ayon pa source.

Kalahati umano ng kabuuang kubransa sa jueteng ay naibubulsa ng mga jueteng protektor tulad ng local police at local government units maging ng mga barangay chairman.

“Nakalaan po bilang “pasalubong” ang malaking percentage na kikitain mula sa kubransa ng jueteng cum Peryahan ng Bayan sa loob ng unang isang linggong operasyon ng nasabing iligal na “pasugal”, iyan ang pagsisiwalat ng ating source.

Ilang milyon kaya ang maiipon sa loob ng isang linggo bilang pasalubong sa loob ng dalawang bola ng jueteng kada araw?

Alam ng mga taga-Montalban, Provincial Government, Provincial Police Office at Rodriguez Mayor Tom Hernandez na labag sa batas ang illegal gambling, ngunit di natin matiyak kung batid nga nila ito?

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!