Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI lang si Sen. Bong Revilla ang excited na muling magbalik sa telebisyon, maging ang kanyang mga taga hanga ay sabik nang mapanood siya sa bago niyang teleserye sa GMA 7 na Agimat Ng Agila, na ipalalabas sa Marso.
Ang nasabing serye na fantasy adventure, na punung-puno ng aksyon,drama at katatawanan ay binusisi at pinagandang mabuti ng direktor na si Rico Guttierez at si Nap Jamir ang direktor ng photography.
Ginagampanan ni Sen.Bong ang isang forest ranger na makikipagsagupa sa masasamang elemento na tiyak na magugustuhan ng mga bata dahil may halo itong agimat at kapangyarihan kaya pinamagatang Agimat Ng Agila.
Si Sanya Lopez ang leading lady ni Sen. Bong. Puring-puri niya ang dalaga.
Sabi ni Sen. Bong tungkol kay Sanya,”She’s a very good actress. Sa tingin ko, ‘yan ang mga may future na maging reyna (sa showbiz).”
May kissing scene sa Agimat Ng Agila sina Sen. Bong at Sanya. Sa tanong sa una kung nanginig ba ang huli sa halikan nila, ang natatawang sagot ni Sen. Bong,”Actually, ako ‘yung nanginig.’Yung kissing scene, ako ‘yung nailang. Pero at least okey naman.”
***
ISANG linggo matapos mag-dinner sa bahay ni Derek Ramsay ang magkakaibigang sina John Estrada, Ruffa Gutierrez, at Ellen
Adarna, nabuking ang huli sa isang interview sa kanya ni MJ Marfori. Napansin kasi nito na pamilyar ang background ni Ellen at tinanong kung nasa bahay ba ito ni Derek, dahil ‘yun ang pool area ng aktor.
Dito na namula si Ellen at tinanong kung masyado bang obvious at dumepensa na magkapitbahay lang sila ni Derek.
Natatawang kuwestiyon naman ni John na kasama rin sa interview kung bakit nandoon ang aktres. Depensa ni Ellen, inimbitahan muli ito ni Derek na mag-dinner at ayon dito, hindi lang naman siya ang nandoon.
Para naman kay John, walang masama kung magdesisyon na mag-date ang dalawa dahil wala naman silang tinatapakan na tao at parehong single. Well, kung ganyang nag-blush si Ellen nang tanungin siya ni MJ kung nasa bahay ba siya ni Derek, ibig kayang sabihin nito ay may something nang namumuo sa dalawa?