Advertisers

Advertisers

Pag-asa

0 867

Advertisers

ODIONGAN, ROMBLON – GUMISING kami na si Joe Biden ang pangulo ng Estados Unidos. Nakahinga kami ng maluwag sapagkat wala na sa wakas ang pala-away na si Donald Trump. Umuwi na sa estado ng Florida si Trump. Natapos na sa wakas ang kanyang magulong pamamalakad at si Joe Biden ang pumalit.

Bagong pag-asa ang dala ni Joe Biden. Maraming bansa ang natutuwa sapagkat mas pinagtitiwalaan nila si Joe Biden at hindi si Donald Trump na natalo noong noong nakaraang halalang pampanguluhan. Umapela si Trump ngunit hindi siya pinansin ng mga hukuman sa Estados Unidos. Nanatili siyang talunan.



Ilang minuto pagkatapos sumumpa bilang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos, nilagdaan ni Biden sa harap ng mga mamamahayag ng White House ang 15 executive order, memoranda, at iba pang utos na binabaligtad ang mga patakaran ni Trump sa usapin ng pandemya, climate change, at border wall sa pagitan ng Estados Unidos at Mexico.

Dinadala ni Biden ang katwiran, hinahon, at katatagan ng loob upang rebisahin at baguhin ang mga patakaran ng basagulerong si Trump. Mas nakangiti ang mundo sa ilalim ni Biden sapagkat maaaring mangatwiran ang sinuman sa ilalim ng kanyang pamumuno. Mistulang diktador si Trump sa nakalipas ng apat na taon.

Hindi dumalo si Trump sa inagurasyon ni Biden. Minabuti ni Trump na lumipad pauwi sa Florida. Tanging si Mike Pence, bise presidente ni Trump, at asawa ang dumalo sa inagurasyon. Nakita ng mundo ang mapayapang paglilipat ng poder sa tambalang Joe Biden– Kamala Harris.

Uunahin ni Biden ang pandemya kung saan nangako siya ng 100 milyon bakuna sa halos unang ikatlo, o 1/3 ng populasyon ng Amerika, sa unang 100 araw niya sa poder. Babalikan ang ibang usapin katulad ng pamamayagpag ng China sa Asya.

Kasama sa mga haharapin ang paglabag ng karapatang pantao sa China, Filipinas, at Rusya. Isa sa mga tinik ng relasyong Estados Unidos at Filipinas ang patuloy na pagkakakulong ni Leila de Lima na ginawan ng mga kasong hindi totoo ang gobyerno ni Rodrigo Duterte. Hindi sang-ayon si Biden, isang Democrat, sa mga ginagawa ni Duterte.



Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Biden ang pagharap sa mga alyansang panseguridad na sangkot ang Estados Unidos. Ibabalik ni Biden ang atensiyon sa Asya na nawala nang maging pangulo si Trump. Kasama ang alyansa ng Filipinas at Estados Unidos.

***

Habang hinihigpitan ng Davao Group ang mga turnilyo upang manatili sila sa poder sa 2022, nanatiling paiba-iba ang sitwasyon pulitikal sapagkat marami ang hindi sang-ayon sa kanilang ginagawa. Tuluyang nahati ang grupong Mindanao sapagkat hindi sila sang-ayon na na si Sara Duterte o Bong Go ang magdadala ng bandera para sa Davao Group.

Humiwalay ang PDP-Laban na itinuturing na naghaharing lapian sa ngayon. Ilalaban si Manny Pacquiao na galing sa Gen. Santos City. Kasama ni Manny sina Koko Pimentel ng Cagayan de Oro City at Migs Zubiri ng Bukidnon. Tuluyang humiwalay si Bebot Alvarez, ang dating ispiker na nawalan ng poder dahil kay Sara. Plano ni Bebot Alvarez na lumaban sa ilalim ng Reporma, isang natutulog na lapian. Marami ang hindi natutuwa kay Sara.

Habang nagbabakbakan ang mga taga-Mindanao, tuloy naman si BBM. Ngunit hindi naman nag-pick up ang kanyang kandidatura sapagkat marami ang galit sa mga Marcos. Hindi malilimutan na marami ang pinaggagawa ng mga Marcos sa bansa. Mahirap manalo ang tinakwil ng sambayanan sa payapang himagsikan sa EDSA noon 1986.

Sa harap ng puwersang demokratiko, o oposisyon pulitikal, hindi malaman kung tutuloy si Bise Presidente Leni Robredo na manguna sa 2022. Nanatiling bantulot sumabak si Leni sapagkat wala siyang bilyon na maaaring gamitin kontra sa mga naghaharing uri. Bukod sa kawalan ng salapi, hindi sang-ayon si Leni sa pagkontrol ni Duterte sa Comelec.

Sa isang survey, napupusuan ng puwersang demokratiko si Sonny Trillanes at dating Punong Mahistrado Ma. Lourdes Sereno upang pumalit kay Leni at sumabak sa 2022. Sa ganang marami, si Sonny Trillanes ang may lakas ng loob at dibdib na harapin ang mapaniil at mapanuwag na si Duterte.

Binabanggit si Chel Diokno bagaman natalo sa pitong-oras na glitch si Chel noong 2019. Isa sa malaking katanungan ang pagsasama ng puwersang Kaliwa at demokratiko sa susunod na halalan. Alam ni Duterte na mahihirapan sila. Hindi biro ang puwersang Kaliwa.

Pilit na pinapatay ni Duterte ang puwersang Kaliwa. Wala na sa kanya ang mga makakaliwa. Lilipat na ang mga ito. Hindi kataggap-tanggap si BBM, Manny Pacquiao, at Bebot Alvarez. Mas lalong hindi nila tinatanggap si Sara. Manmanan ng mabuti.

***

MGA PILING SALITA: “After dwelling on unity and rebuking fake news, U.S. President Joe Biden spoke on need to repair alliances, using ‘power of example.’” – PL, netizen

“ACHIEVEMENT UNLOCKED FOR THE US: A President you do not need to fact-check every time he opens his mouth.”- Tere Torres-Tupas, journalist

“The U.S. is back! Biden orders return to Paris accord.” – Rodney Jaleco

“Assuming that the 2022 presidential elections will push through, the scariest nighmare for Filipinos will be that on election night, initial results will pour into your TV screens and after 30 minutes, another 7-hour glitch will strike. Then in the wee hours of the morning, you will see to your shock that the administration candidate for president has walloped the opposition candidate by millions of votes. If they could do that in the 2019 midterm elections, they could do it in 2022, with more reason, where the stake is much higher and the catch is much pricier-the presidency!” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo

“Before, they were like thieves in the night, who posted and spread fake news. Now, they do it openly and without moral compunction.” – PL, netizen

“Seven things that happened to me as a student at UP (late 80s, early 90s): (1) Answered exam in Baybayin; (2) Wrote essay in Spanish; (3) Debated in French; (4) Slept at Sunken Garden; (5) Wore slippers in class; (6) Injured at a rally dispersal; and (7) NEVER recruited by the NPA.” – Danilo Arao, UP propesor ng journalism

“Ako, pagkatapos kasi ng term ko, tapos na ‘yung [electoral] protest. Karapatan naman ng kahit sino ang tumakbo pero dapat lahat ng tatakbo tatanggapin ‘yung resulta ng eleksyon. … Kasi kung matatalo ka, hindi mo tatanggapin, eh huwag ka nang tumakbo.” – Leni Robredo, Bise Presidente ng Filipinas