Advertisers
PATAY ang isang lalaking sakay ng nakaparadang SUV nang pagbabarilin sa Calbayog City, Samar, Huwebes ng umaga.
Ayon sa ulat, sakay ang biktimang si Harry Rumohr sa SUV na nakaparada sa national highway sa Barangay San Policarpio sa naturang lungsod nang lapitan ng mga nakasakay ng motorsiklo at pinagbabaril.
Nagtamo ng tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.