Advertisers

Advertisers

Internet speed plans ng telcos pinasusumite ng NTC

0 236

Advertisers

PINASUSUMITE na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga plano’t pamamaraan ng telcos para sa kasiguruhang pagsulong at pagpapabilis sa sistema ng internet ngayong taong 2021.
Kaakibat ng direktiba ni Pres. Rodrigo Duterte nitong nakaraang taon sa telcos na mapagbuti ang serbisyo ay inatasan ng NTC ang lahat na public telecommunications na isumite na ng mga ito hanggang January 20 ang kanilang “roball-out plans” para sa taon ngayong 2021.
Inimpormahan ng NTC ang DICT na isusulong ang implementasyon ng telco’s roll-out plans partikular na ang unang 2 quarter sa panahon ng 2021 July SONA.
Magsasagawa rin ng buwanang pagpupulong ang NTC at ng DICT sa mga telcos upang masigurong ginagawa ng mga ito ang kanilang isinimiteng roll-out plans.
Tutulong ang NTC at DICT sa telcos sa anumang kakaharaping problema sa implementasyon ng roll-out plans partikular na sa “red tape” challenges.
Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic, ang internet speed ng ating bansa ay patuloy na gumaganda base sa Ookla findings nitong nakaraang December 2020.
Sa halos 120 milyon tests na isinagawa sa ating bansa nitong 2020. iniulat ng Ookla na 297.47% ang isinulong sa ating pambansang internet average download speed for fixed broadband at 202.41% naman para sa mobile broadband kumpara sa 2016 speeds.
Ang ating pambansang average download speed para sa fixed broadband ay napabilis mula sa 7.91 Mbps (July 2016) na naging 31.44 Mbps (December 2020), samantalang ang average download speed para sa mobile broadband ay sumulong din mula sa 7.44 Mbps (July 2016) ay naging 22.50 Mbps (December 2020).
Ang 3rd major telco player na DITO ay maglulunsad ng komersiyalismo sa March 2021 kaya ang Globe at Smart ay tinaasan naman nila ang kanilang capital expenditures tulad ng Globe na tutustos ng P90 bilyon at ang Smart naman ay P92 bilyon para sa 2021.
Ang DITO naman ay may planong higitan ang Globe at Smart na gumugol naman ng P150 bilyon nitong nakaraang taon sa kanilang infrastructure roll-out.