Advertisers
Good am po. Ako ay isang PNP retired. Sana po inyo ito maiparating sa ating Pangulo Duterte ang ginagawa ng Finance Center na hanggang ngayon po wala parin po laman ang aming ATM Landbank na dapat po noon pa Jan. 15 ito po pero Jan. 18 na wala p rin po. Marami sa aming wala na pambili ng aming gamot at pangbigay sa aming pamilya at hold daw po ito ni Chief PNP Sinas. Bakit naman nila hold ang aming pension? Labis po namin ito kailangan at bakit inutos ni C. PNP ito? Sana check po ng ating Pangulo Duterte kung bakit nila hold aming PNP Pension. Kami naman po ay naglingkod ng “TAPAT” noon. Kakarampot nalang po aming Pension ganyan pa gawa ng mga buyawa ito. Kawawa naman po kami. Sana mabigyan po kami ng tapat, action at dagdagan naman po nila aming PNP Pension. Marami po salamat. God Bless you po!!! – Retired PNP officer
‘Mga rebelde, magbalik loob
na kayo sa gobyerno’
Dear Sir/Mam, ‘di ko po alam sa iba pero ewan ko nalang kung may papalag pa sa utos ng CSAFP na lansagin ang lahat ng NPA guerilla fronts sa buong Pilipinas. Sa tagal ng kanilang pakikibaka halata namang walang patutunguhan ang kanilang pinaglalaban. Lalo pa ngayon na pinaigting pa ang buong pwersa ng ating kasundaluhan, sumusuporta na rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga komunidad. Marami-rami narin ang nahuli at kusang sumuko sa halip na magbuwis ng buhay sa maling idetolohiya. Sa kabila nito kailangan paring magdagdag pa ng mas malakas na panawagan sa mga natitirang humahadlang sa pag unlad, hikayatin sila na magbalik loob at tamasahin ang tahimik at mapayapang pamumuhay.