Advertisers

Advertisers

Dapat nga bang unang bakunahan ang Pangulong Digong Duterte?

0 184

Advertisers

IYAN ang mga tanungan ngayon ng ating mga mamamayan na para bang nakikipag-pustahan sa kung sino ba ang dapat na maunang bakunahan.

Sa mga pahiwatig, mistulang wala pang kasiguraduhan ang bakunang itu-turok laban sa covid19 na maaaring ika-haba o dili kaya’y ika-igsi ng ating buhay.

Ang tanong na ito at hamon sa ating Pangulo na siya na ang dapat na maunang bakunahan ay nag-ugat kay Bise-Presidente Leny Robledo kama-kailan.



Binase naman umano ni Robledo ang hamong ito sa Pangulo dahil sa kasalukuyan niyang popularidad sa mga tao na sobrang umi-idolo at huma-hanga sa kanya.

Kung sakali nga namang ma-unang bakunahan ang Pangulo, malaki nga naman ang posibil;idad na mawala ang duda at pangamba ng taumbayan.

Dahil sa na-una ang Pangulo, wala nga namang ibang iisipin ang taumbayan kundi ligtas at walang magiging banta sa kanilang kalusugan at buhay ang mapi-piling bakunang itu-turok sa kanilang katawan.

Pwede rin lumabas na martir ang Pangulong Digong kung ano man ang kaka-labasang resulta ng bakunang itu-turok sa kanya, negatibo o positibo man ito ay sama-sama tayo together ika nga.

Tama rin nga ang kasabihang follow a good leader at ang teach by example na dapat na ipa-kita ng isang magaling at matapang na ehemplong may prinsipyo’t paninindigan maski saan makarating.



Pero ano man ang sabihin natin, nasa ating Pangulo pa rin ang prerogative at desisyon niyang gagawin, maaaring siya ang ma-una at pwede rin siya ang huli..

Maaari rin namang sorpresahin na lang niya tayo tulad ng ginawa ng kanynag mga escort na Presidential Security Group (PSG) na out of nowhere ay nakapag-bakuna na pala ng wala siyang malay.

Wala daw tayong paki-alam kung saan sila nagpa-bakuna, ano ang brand ng bakuna at kung saan bansa ito nag-mula. Ang tanging mahalaga lang dito ay ang kal;igtasan ng Pangulo, di po ba?

PINAS, CHOOSEY PA YATA SA BRAND
NG BAKUNA LABAN SA COVID19…

Bagama’t tayo ay nabi-bilang sa isang mahirap na bansa at tinu-turing na isang third world country, tila choosey pa rin yata tayo sa kung anong brand ng bakuna ang itu-turok sa atin.

Ganon ka-delikado ang mga Pinoy na bagama’t walang pera ay mapili pa sa kung anong bakuna ang angkop sa kanilang buhay at kalusugan.

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa proseso at pinag-uusapan pa rin ng gobyerno kung anong brand ba talaga ang kanilang kukunin, Phizer nga ba, Moderna, Sinovac etc. etc. etc. Kung ating iisipin ay parang may bahid ng politika itong isyung ito hinggil sa bansang may gawa nito.

Pati ang presyo ay pinag-uusapan pa rin sa Senado at kung saan kukunin ang pondong para dito. Napaka kumplikado at maraming che-che buretche kung kaya’t naguguluhan ang ating mga kababayan.

Sa ganito nga namang situwasyon ay hindi mo rin masisisi ang taum-bayan. Natural na sila rin ay mag-duda at mag-dalawang isip kung sila ay magpapa-bakuna o hindi.

Ayon sa datos na luma-labas, 25 porsiyento lang ng mga Pinoy ang desididong magpa-bakuna, 30 porsiyento ang may ayaw at hindi pa malaman ang desisyon ng nala-labing porsiyento.

Maaaring pinapagpa sa Diyos na lang ng iba ang kanilang buhay at kalusugan dahil hindi nga naman nila nasi-siguro ang epekto ng bakunang ito, kung hahaba o iigsi ba ang buhay nila.

Come what may… Let go, Let God na lang siguro ang puma-pasok sa kanilang isipan at wala na ring ibang mahalaga kundi ang lagpasan ang pandemic na ito may bakuna man o wala.

Harinawa’y patnubayan tayong lahat ng Poong May-kapal, May the good Lord bless and keep us all, Mabuhay tayong lahat!!!!