Advertisers

Advertisers

Coney muntik layasan ang serye dahil sa lock-in taping

0 312

Advertisers

Ni WALLY PERALTA
AMINADO ang beteranang aktres na si Coney Reyes na muntik na niyang iwanan ang lock-in tapings ng show niyang “Love of My Life” dahil talagang nahirapan siya na mag-adjust sa new normal.
At dahil first time niyang sumabak sa lock-in taping na kadalasan ay tumatagal ng halos isang buwan ay kung anu-ano na raw pumapasok sa isipan niya. Nandung tila may nakalilimutan siyang isang bagay na gawin na pang-araw-araw na gawi niya pag walang work.
Napuna naman ng kanyang mga kasamahan ang ginagawi ng aktres kaya tulung-tulong ang mga ito na alalayan si Coney. And after two days ay nakapag-adjust na ang aktres.
Inamin din ni Coney na sa pagitan ng unang dalawang araw niya sa work ay nais na raw niyang lumabas at umuwi na ng bahay, as in feel na niyang mag-walk out.
Bukod sa nakasanayan na niya ngayon ang lock-in tapings ay mas lumalim din ang pakikisama niya sa mga kapwa niya artista at sa mga staff and crew ng kanilang “Love Of My Life”.
Kaya nang magkaroon ulit sila ng part 2 ng lock-in tapings ng kanilang serye ay gamay na raw ni Coney ang gagawin at katunayan pa nga raw ay excited pa siyang nag-iimpake ng mga gagamitin at dadalhin sa tapings.
“Lahat ng pamilya may problema. Iba-ibang klase ng problema nga lang. Kahit anong pagkakagulo, pag-aaway, bottom line, you love one another. Love will never fail, it will never fail,” say ni Coney.
***
IBANG klase rin naman si Ken Chan pagdating sa lock-in tapings, kung ang ibang mga artista kadalasan ay mga personal needs ang dala mostly clothes, shoes, underwear and other personal hygiene, si Ken bukod sa mga ito at may dala rin mga kitchen appliance sa venue ng kanilang taping.
“Food, ref, microwave at stove. Gusto ko kasing maramdaman na ‘yung magiging room ko at magiging room namin ng mga cast, gusto kong maramdaman na para siyang bahay,” ani Kapuso actor.
“Almost one week akong nag-pack. Isang araw dedicated ‘yon para mag-grocery. Isang araw naman para sa mga damit. ‘Yung isang araw dedicated ‘yung araw na ‘yon para asikasuhin ko ‘yung mga appliances na dadalhin ko,” dagdag pa niya.
Bukod kina Ken at Rita Daniela, mga bida sa “Ang Dalawang Ikaw,” kasama rin ng dalawa sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan at Jeremy Sabido at ang baguhang Kapuso na si Anna Vicente.