Advertisers

Advertisers

Binangonan Police Station swak sa ‘kotong’

0 365

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen Debold Sinas, ang imbestigasyon sa Binangonan Police Station nang madakip ng mga elemento ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang 2 sibilyan “assests” nito sa entrapment operation sa kasong “extortion”.
Inatasan ni Sinas si BGen Felipe Natividad, Regional Director Calabarzon, na isailalim sa imbestigasyon si Lt Col Ferdinand Ancheta sa ilalim ng command responsibility sa pagkakasangkot ng kanyang mga tauhan sa pangongotong.
Inaresto ng mga operatiba ng PNP-IMEG sina Albert Domingo alias “Joel” at Pablo Dolfo alias “Botchok” na kapwa sibilyan assest ng Binangonan Police Station sa entrapment operation sa harapan ng Binangona City Hall.
Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo ng isang Stepjen Kellu nang maghingi ng P40,000.00 ang mga suspek kapalit ng pag-release ng kanyang sasakyan na in-impound.
Natuklasan rin na nasa labas ng kulungan ang isang Cpl Archieval Perez na nahaharap sa non bailable na kaso “Infidelity in the Custody of Prisoners” na nagsisilbing look out sa ginawang bayaran.
Narekober ng mga operatiba kay Domingo ang P20,000 mark money, 1 cellular phone, isang kulay gray na Toyota Vios na may plate number P50898 at motorsiklong Honda Beat.
Tinukoy ni Kellu ang 6 pulis na sina SMS Randy Andanar, SSG Joel Acosta, SSG Joe Sevillena, CPL Allan Alvares, CPL Marson Tayaban, at CPL Ew Armenis na sangkot sa extortion activities.
Isinailalim ang 6 pulis sa monitoring at imbestigasyon ng PNP IMEG. (Mark Obleada/Edwin Moreno)