Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ANG buhay ay maihahailintulad sa gulong na kung minsan ay nasa ibabaw at minsan nasa ilalim.
Ganito raw ito isalarawan ng magkakasama sa Pornstar na sina Alma Moreno, Rossana Roces, Ara Mina at Maui Taylor.
Pare-parehong naging tanyag noon ang apat pero nagkakaisang pananaw na lang ng mga ito.
Mga pangalan din nila ang ginamit sa nasabing project na first time na pinagsama-sama silang mga dating sexy star sa magkakaibang panahon.
Kung dati ay sikat sila pero iisa ang kanilang kataga na walang forever sa showbiz.
Kung may simula ay may wakas at bilog nga raw ang mundo, ang mahalaga ay naabot nila ang rurok ng tagumpay nung kanilang panahon.
Malaos man sila ay masasabing nalaos silang may narating.
Nagtagumpay naman sila sa kanilang karera na for sure na alam nina Alma, Osang, Ara at Maui na may hangganan ang lahat kaya keribel o tanggap nila ang pagiging laos.
Doon iinog ang takbo ng kuwento ng Pornstar mula sa pagiging sikat hanggang malaos.
Well, well, well…’Yun na!