Advertisers

Advertisers

2 SALVAGE VICTIMS ITINAPON SA PALAYAN

0 442

Advertisers

LAGUNA – Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang palayan sa may Pila Road, Barangay Tubuan, Pila sa lalawigang ito nitong Huwebes ng umaga.
Sa ulat ni Police Capt. Robin Martin, hepe ng pulisya ng Pila, walang pagkakakilanlan ang mga biktima na kapwa may mga tama ng bala ng baril sa kanilang ulo.
Sa pagsisiyasat, lumilitaw na doon mismo sa lugar isinagawa ang krimen batay narin sa nakitang mga dugo at ilang basyo ng kalibre .45 na pistola na ginamit sa pagpaslang sa mga biktima.
Samantala, sinabi ni Brgy. Tubuan Chairman Jimmy Gonzales na nakatanggap siya ng tawag sa kanyang cellfone pasado 5:00 ng umaga mula sa isa sa kanyang mga barangay tanod tungkol sa nakitang mga nakataob na bangkay ng dalawang lalaki sa palayan.
Ang mga biktima ay may tama ng bala ng baril sa kanilang ulo. Tinatayang nasa edad 30 pataas ang mga ito, nakasuot na maong at itim na jacket ang isa habang ang isa ay nakasuot ng long sleeves na kulay itim at itim na pantalon. May mga tatoo rin ang mga ito sa kanilang katawan, maigsi at manipis ang kanilang buhok, kapwa may suot na kulay puti na rubber shoes, katamtaman ang pangangatawan at nasa 5′ 2” ang taas.
Dalawang beses na aniyang ginagawang tapunan ng salvage victims ang naturang lugar. Kaya plano ng barangay na maglagay na dito ng CCTV at street lights.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyo ng pulisya. (DICK GARAY)