Advertisers

Advertisers

Pilot episode ng The Lost Recipe, trending!

0 267

Advertisers

NI BKC

TALAGA namang inabangan ng viewers ang pilot episode ng fantasy-romance series na The Lost Recipe nitong Lunes sa GMA News TV.

Trending sa social media ang pinagbibidahang serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na mula naman sa GMA Public Affairs. Nag-number 1 pa nga ang hashtag na #TheLostRecipe sa Philippine trends ng Twitter—patunay na tinutukan talaga ito.



“Very interesting concept. @GMA_PA makes really good teleseryes. It’s provocative, out of the box, and the lead actors are young and underrated but very very good choices! I see huge potential in Kelvin Miranda,” pahayag ni @frostedglory.

Hinangaan din ng netizens ang look ng mga scene pati na rin ang pag-highlight ng serye sa paboritong ulam ng mga Pinoy na adobo.

“Grabehan sa cinematography!! Napakaganda!” sey ng netizen na si @drwnslvdr.

Tweet naman ni @AlexLopezPH, “Love the concept of revolving the series around our adobo. Good looking cast, yummy food, great shots, nice music.”

Patikim pa nga lang daw ito ng mga dapat pang abangan sa The Lost Recipe na mapapanuod weeknights, 8 p.m. sa GMA News TV.



***

Lexi Gonzales, enjoy sa taping ng ‘My Fantastic Pag-ibig’

MALAPIT nang mapanuod ang bagong kakikiligang fantasy rom-com series sa GMA News TV na “My Fantastic Pag-ibig.” Tampok dito ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig na may element ng fantasy.

Sa pilot story ng My Fantastic Pag-ibig, bibida ang tambalan ng Starstruck alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.

Kuwento ni Lexi ay super enjoy siya sa kanilang taping. Marami raw siyang preparations na ginawa para sa proyektong ito.

“I made sure that I had rest and a lot of water. I made sure na inaral ko nang mabuti ang character, ‘yung role na gagampanan ko. And dahil lock-in taping, I brought a lot of stuff na kailangan ko talaga like blankets, towels, soap—lahat talaga dinala ko na! It was super fun and dahil nga I went through all these preparations, easier noong nandun na ako sa set,” sabi ni Lexi.

Samantala, ibinahagi rin ni Lexi sa #KPRGAsks ni Kapuso PR Girl na patuloy raw ang communication niya sa fans niya online. Gayunpaman, aminado siyang miss na niya ang kanyang supporters kaya sana nga raw ay magkita-kita na sila ulit soon.

“Puro kami Zoom parties and Google Meet parties. Meron kaming GC wherein doon kami nagcha-chat at nagpo-post ng updates. But I really hope na maging okay na lahat soon para makagawa na kami ng actual get-togethers para makapagkita-kita na kami.”

Abangan ang tambalang KimLex sa My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 na, sa GMA News TV.