Advertisers

Advertisers

‘Pag ‘di raw tumigil sa panggugulo… Jomari kakasuhan ang ex-dyowa na ina ng 2 anak

0 245

Advertisers

Ni Juliet Q. Pacot
TULUYAN nang napikon kaya sumagot na rin sa social media laban sa dating live-in partner ang aktor at konsehal ng Parañaque City  na si Jomari Yllana na dudang ibinebenta online ang gatas ng kanyang mga anak.
Sa bersyon ng aktor, hindi raw siya makapaniwala sa laki ng bill ng kuryente at posibleng maraming lalaki umano ang bumibisita sa bahay ng kanyang dating karelasyon na si Joy Reyes. Sa sumbong ng kanyang mga katulong, nagla-lock daw ng kuwarto si Joy habang nasa labas ang kanyang mga anak at yaya.
Bukod pa sa pinagkakakitaan daw ng dating karelasyon ang mga bitamina at gatas na ipinadadala niya para sa kanyang dalawang anak.
May hawak daw siyang proof of purchase bilang ebidensiya.
Kapag hindi raw tumigil si Joy ng paninira at panggugulo sa aktor ay gagawa na ito ng legal na hakbang para kasuhan ang ina ng kanyang mga anak.
Posibleng naibalik na ang serbisyo ng kuryente sa bahay ng dating live-in partner ni Jomari.
Sinabi ng aktor na napakiusapan niya ang Meralco na staggered payment ang gagawin nito sa lagpas P100,000 electricity bill sa bahay ni Joy at dalawang anak nito sa kanya.
Noong January 15 ay nag-post sa social media si Joy upang akusahan si Jomari ng pagpapabaya umano sa kanilang dalawang maliliit na anak. Kalakip nito ang Meralco bill na hindi pa nababayaran, at ang video ng dalawang bata na magkatabing natutulog sa loob ng madilim na bahay.
Idinaan daw ni Joy sa social media ang kanyang hinaing dahil pinutol na umano ni Jomari ang komunikasyon sa pagitan nila.
Paratang pa ni Joy, hindi raw ginagampanan ni Jomari ang tungkulin nito bilang ama ng kanilang dalawang anak na lalaki.