Advertisers

Advertisers

John aprub sa romansang Derek at Ellen

0 209

Advertisers

Ni WALLY PERALTA
KUNG katarayan din lang naman, hindi patatalo si Dina Bonnevie at straight forward siya ‘pag may kimkim na galit sa kasamahan sa work at hindi nakikipagpastikan.
As in, what you see is what you get ang drama ni Dina. At dahil sa new normal ang tapings ngayon, kaya sa pagbabalik nina  Dina at mga kasamahang aktor sa “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday” ay lock-in tapings na ito.
Sila-sila rin ang magkakasama sa loob ng ilang linggo at sa iisang venue. Kaya maraming bagay silang mapapansin sa isa’t isa. Nang matanong si Dina kung ano ang napansin niya sa leading man na si Jay Manalo habang nasa lock-in taping ay paghanga ang naging tugon ni Dina kay Jay.
“I thought he was exactly like the roles he plays, ‘yung babaero, happy-go-lucky but I was surprised that’s he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.”
See, may soft spot din pala sa puso niya g si Dina para sa mga babaero pero cool and good dad naman.
***
HINDI naman si Derek Ramsay ang leading man ni Ellen Adarna sa bago niyang comedy show na “John & Ellen” sa TV5 kundi si John Estrada. Ang kinaloloka ng followers nina Ellen at John ay tila mas maingay pa ang isyu kina Derek at Ellen kaysa bagong show nina Ellen at John.
Naging usap-usapan kasi muli sina John at Ellen nang dumalaw sa ikalawang pagkakataon si Ellen sa bahay ni Derek. Magkalapit-bahay kasi silang dalawa at ilang hakbang lang ni Ellen ay nasa haws na siya ni Derek.
At tulad ng dati hindi lang naman silang dalawa ang magkasama. May ilan din kasama si Ellen nang muling tumuntong sa bahay ni Derek.
Ano naman kaya ang say ni John sa maingay na isyu ng kanyang leading lady at sa kaibigang Derek?
Para sa aktor wala siyang nakikitang masama sakaling nagkakamabutihan ang dalawa. Wala naman daw kasi silang natatapakan na ibang tao at pareho silang malaya.
Kaya chill lang si John sa tsika sa pagitan ng kanyang leading lady at kaibigan.