Advertisers

Advertisers

Janine gaganap na Valentina sa seryeng Darna

0 242

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KAHIT ang lola ni Janine Gutierrez na si Pilita Corrales ay suportado at masaya sa paglipat ng apo sa ABS-CBN.

Posible nga rin daw makasama ni Janine ang ina na si Lotlot De Leon na nasa bakuran na ng Kapamilya Network sa Walang Hanggan Paalam.



Nakikita naman ni Pilita kay Janine nung kanyang kabataan kaya kahit anong project ang ibigay dito ay kayang-kaya ito ng kanyang apo.

May balita naman na si Janine ang gaganap na Valentina sa Darna series ni Jane De Leon.

Bilib ang lola sa apo at kayang-kaya raw nitong maging kalaban o kontrabida ni Darna.

Dati na rin ngang gumanap na Valentina ang lola ni Janine sa Darna ni Anjanette Abayari at pagmamalaki pa ni Pilita na tunay na ahas pa nga ang inilagay sa kanyang ulo noon.

Kaya naman sa pagiging serious ng apo sa kanyang work naniniwala si Pilita na kaya ni Janine maging Valentina.



Well, well, well…’Yun na!