Advertisers

Advertisers

Ani Gadon, abogadong nagdemanda sa PAO bobo!

0 429

Advertisers

SA pagbasura ng OMBUDSMAN sa kasong isinampa ng isang abogado laban kina PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) CHIEF, ATTY. PERSIDA ACOSTA at PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE ay binansagan ni ATTY. LARRY GADON na BOBO at PAPANSIN lamang ang abogadong nagdemanda.

Ang ABOGADONG BOBO raw sabi ni ATTY. GADON ay si ATTY. WILFREDO GARRIDO na ang mga kasong isinampa nito sa OMBUDSMAN ay malasado dahil ang mga ebidensiyang isinumite nito ay mula sa mga newspaper.

“Nagbase siya sa mga nabasa niyang news article sa mga diyaryo at hindi man lamang niya inilagay ang petsa kung kailan lumabas na hinde man lang inilahad yung context ng article.., alangan namang yung Ombudsman pa ang magresearch kung ano yung article. Siya rin yung nagpadis-bar sa akin e yung kinasuhan ko ay ako ang pinanigan ng korte tapos aakusahang baseless ang naging pagsasampa ko ng kaso, kung hinde ba naman tanga siya.., bobo pa.., gustong magpapansin para mapasikat ang pangalan niya sa mga diyaryo,” pahayag ni ATTY. GADON.



Magugunita na ang naturang ABOGADONG BOBO (ayon kay ATTY. GADON) ay itinaon pa ang kaniyang pagdedemanda sa OMBUDSMAN noong BIRTHDAY mismo ni PAO CHIEF ACOSTA August 15, 2019 sa mga akusasyong Falsification of Public Documents, Malversation of Public Funds, Illegal Use of Piblic Funds or Property at mga kasong administratibo tulad ng Grave Misconduct, Serious Dishonesty, Grave Abuse of Authority at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Public Service.

Sa naging kapasiyahang DISMISSED ni OMBUDSMAN SAMUEL.MARTIRES hinggil sa mga akusasyon ay ipinunto nito ang.., “there is no probable cause for violation of Section 3(e) and (j) of RA 3019 as amended… At the outset, it should be stressed that the allegations in the complaint were based on news articles and other online postings lifted from the Internet and social media. Complainants allegations cannot therefore be considered as proceeding from his own personal knowledge”.

Inihayag naman ni ATTY. ACOSTA na PLAIN HARASSMENT at bahagi umano ito ng estratehiya sa mga bumubuo ng DENGVAXIA IMPLEMENTORS na patung-patong na ang mga kasong umuusad ngayon laban sa mga ito na pinangungunahan nina HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III at CONG. JANETTE GARIN.

PRC SALIVA TEST DAPAT
PAYAGAN NG DOH AT NG FDA!

Ang sistemang ginagawa ng mga DOCTOR para sa pagdetermina kung sino-sino ang.mga nagtataglay na ng COVID-19 ay ang pagdudutdot sa kaloob-looban ng ilong at ang pagsungkal sa loob ng lalamunan ng tao gayong may pamamaraang hinde masasaktan, mabilis ang resulta at murang bayarin lamang ang ipinupursige ng PHILIPPINE RED CROSS (PRC) na mapayagan na sila ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) at ng FOOD AND DRUGS AUTHORITY (FDA) para ang SALIVA TESTING na lamang ang dapat ipairal sa ating bansa.



“We are expanding our testing services with a more affordable testing which is faster and less invasive. Our proposal is based on sound studies conducted and approved in other countries. These results as well as findings on tests conducted locally by PRC were presented to the DOH and the FDA,” pahayag ni PRC CHAIRMAN, SENATOR RICHARD GORDON.

Ang SALIVA TESTING ay napakadali palang gawin dahil laway mo lang ang ilalagay sa maliit na botelya at sa loob ng 3 hanggang 4 na oras ay malalaman na ang resulta kung positive o negative sa COVID-19.., at ang gastos lang ay P2,000 na maaari pang mapabawasan daw ni SEN. GORDON ang presyo sa.oras na dumami ang magpapa-saliva test. Sa kasalukuyan, ang SWAB TEST ay nasa P4,000 ang bayad, na pahirap ito sa pangkaraniwang mamamayan.

“Saliva testing requires less protection and the need for Universal Transport Medium and swabs. The saliva specimen is stable at room temperature and does not require cold chain transport. These translates to reduced costs. This efficient procedure aligns harmoniously with PRC’s goal to test more people and contain the spread of the coronavirus. True to its mandate to reach and aid the people, especially the most vulnerable, PRC ensures a more affordable testing through the saliva process,” paliwanag pa ni GORDON.

Bunsod sa magkasintahang galing sa DUBSI na ang lalake ay positibo sa B.1.17.SARS-VOV-2 VARIANT ay parehong naka-quarantine ang mga ito; kung saan, ang 8 iba pa na kabilang sa eroplanong sinakyan ng magkasintahan na nagpositibo rin sa ginawang test ng PRC ay ipinadala na rin sa.PHILIPPINE GENOME CENTER para sa masusing pagsusuri.

“We recently launched a pilot testing of saliva test which involved more than 1000 health workers and media practitioners. This is a pre-requisite for the approval of Department of Health and Food & Drugs Authority. If given the green light, PRC will ensure volume testing for individuals coming in and out of the country for us to trace this new COVID-19 variant, and hopefully, we will be able to contain the variant as soon as possible,” pahayag ni GORDON..

Teka.., puspusan ang gobyerno sa pagsansala o mapigil ang pagkalat ng virus pero ang.mga taong naninirahan sa mga lansangan o mga palaboy e tila wala man yatang programa na matest ang mga ito kung positive o negative ba sila sa COVID-19.., e useless din ang ginagawa ng gobyerno dahil kung ang mga taong palaboy e “CARRIER’ naman pala ng COVID-19 e hinding-hinde malulusaw ang virus.., yan e kung hinde pag-uukulan na i-trace ang mga pulubi o palaboy na nagtataglay ng kinatatakutang virus!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.