Advertisers

Advertisers

Si Pacman na nga ba o si Ramon Ang sa 2022 presidential derby?

0 309

Advertisers

NGAYON ngang isinapubliko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang malaking disgusto at pagtutol na patakbuhin bilang Pangulo ng bansa sa 2022 presidential elections ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, biglang nabuhayan ng dugo at tila tumama sa lotto jackpot ang grupo na nagsusulong sa presidential bid ni Senator Emmanuel “Manny Pacman” Pacquiao!

Tangi kasing si Inday Sara lamang ang nakikita ng grupong ito na balakid para humalili bilang pinakamataas na opisyal ng bansa ang boxing icom.

Ang tinaguriang People’s Champ mula Saranggani na nagbigay na patung-patong na karangalan sa bansa ay kulang sa dalawang taon na lamang ay maluluklok na at mananahan sa Palasyo ng Makanyang bilang ika-17 na Pangulo ng Republika.



Ito ang paniniwala ng nakakaraming Pilipino na sinisigurong kundi si Sara Duterte ang makakalaban ni Pacquiao sa 2022 presidential race, nakakatiyak na ng panalo ang dating nagtitinda ng pandesal.

Si Pacquiao na ngayon ay Pangulong ng ruling party PDP-LABAN kung saan Chairman naman ng partido ang Pangulong Duterte.

Sa una pa ay direktang sinabi na ni Senador Pacquiao na di siya tatakbong presidente kung ang anak ng Pangulong Duterte na si Sara ang kanyang makakalaban, out of respect hindi lamang kay Tatay Digong na kanyang iniidolo kundi sa buong pamilya Duterte na kanyang nirerespeto at katulad din nitong mula sa Mindanao.

Sa inauguration ng Skyway 3 kamakailan, bungad na pahayad ng Pangulong Duterte sa okasyon na ang presidency ng bansa ay “NO WOMAN JOB”!

Ayaw umano ng Pangulo na pagdaanan din ng anak na si Sara ang napakalaking paghihirap,pasakit at sakripisyong kanyang dinaranasan sa ngayon bilang lider ng bansa.



Parang gustong ipakahulugan at sabihin ni Duterte na ang trabaho ng isang presidente ay maihahantulad sa kasabihan sa Ingles na “DAMN IF YOU DO and DAMN IF YOU DON’T!

Saan ka man lumagay at ano mang pagsisiskap mong itaguyod ang kapakanan ng mamamayan at bansa ay marami pa rin ang pumupula at bumabatikos.

Sinabi rin ni Duterte na di kakayanin ng isang babae ang mabigat na tungkulin ng isang Pangulo.

Ano kaya ang masasabi dito ng mga supporters noon at nananatili pa rin magpahanggang ngayon nina former Presidents Cory Aquino (deceased) at GMA?

Ibig bang sabihin ni Duterte na walang kakuwenta-kuwenta ang naging administrasyon ni Cory at GMA?

Going back kay Manny Pacquiao, maitatala sa kasaysayan ng bansa ang talambuhay nito sakali ngang manalo ito bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa 2022.

May ilan naman na pilit na isinasali sa equation ng labanan si businessman at San Miguel Corporation (SMC) honcho RAMON ANG na pinatunayan ay kanyang pagiging pilantropo at kababaang loob na tumulong sa mga mahihirap ngayong panahon ng pandemya.

Si Ang din ang CEO ng ilan pang top corporations ng bansa.

Grupo naman ng mga eletista o yaong nasa braket ng nakakariwasang populasyon ng bansa ang nagtutulak sa kandidatura ni Ang na naniniwalang malaki ang maitutulong ng mama sa pagbuhay sa nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil eksperto ito sa negosyo.

Assuming without admitting na sina PACMAN na nga at ANG ang ikinukunsidera ng Palasyo at ng Pangulong Digong na magtuloy sa iiwanan nitong responsibilidad sa bayan, sino kaya sa dalawa ang mas malakas na kandidato na babangga naman sa Leni Robredo led Liberal Party (LP) na sinasabi naman ng marami na panggulo lamang na partido at kandidato hehehe!

Muli nating ipagpapatuloy ang pagtalakay sa isyung ito sa mga susunod nating kolum.

PAHABOL: May nakapagbulong sa atin na ‘wag nating siguruhin na “out” na nga sa bakbakan ang IRON LADY ng Davao City na si Inday Sara.

Marami pa umanong posibleng mangyari!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com