Advertisers

Advertisers

Pauline Mendoza thankful sa GMA-7 sa pagbibidahang serye

0 430

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NGAYONG February ay mapanonood na ang teleseryeng pagbibidahan ni Pauline Mendoza, ang nakakaantig sa puso na kuwento ng pinakabagong Kapuso series titled Babawiin Ko Ang Lahat ng GMA-7.

Paano niya ide-describe ang TV series na ito?



 

Esplika ni Pauline, “Iyong kuwento po na nito ay tungkol sa isang pamilya. Ang masayahing Salvador family.

 

“Hangga’t sa nalaman ko na may ibang pamilya pa pala ang aking dad which is played by kuya John Estrada. At doon na po magsisimula ang lahat ng hirap and struggles ng buong dalawang pamilya.”

 



Inusisa rin namin si Pau (nickname ni Pauline) kung ano ang role niya sa Babawiin Ko Ang Lahat?

 

Saad niya, “Ang role ko po rito ay si Iris Salavador, anak ni Victor Salvador and Cristine Salvador which is played by ate Tanya Garcia Lapid.

 

“Mabait na anak po si Iris, outgoing ang kanyang personality and talagang mabait lang siya sa lahat. Until makilala niya ang isa pang pamilya ng kanyang ama. Doon na magsisimula lahat ng sacrifices ni Iris.”

 

Ipinahayag din ni Pau ang sobrang pasasalamat sa Kapuso Network at sa lahat ng tumutulong sa kanyang career.

 

Lahad niya, “Sobrang thankful po ako sa GMA Network, GMA Artist Center and to my manager and my handler for believing in me and also for giving me this kind of opportunity.”

 

Dagdag pa ni Pauline, “I’ve been with GMA network for the past five years already and never po nila ako pinabayaan. Naniwala sila sa akin and binigyan nila ako ng tiwala.

 

“They’re just there always to help me reach my dreams.”

 

Thankful din si Pau sa kanyang co-stars sa kanilang suportang ibinigay lalo na sa kanyang mga heavy scene.

 

Sambit niya, “Very professional po silang katrabaho and tulungan talaga kaming lahat sa set.

 

“Lahat ng eksena ko halos everyday, umiiyak. Challenging talaga, kasi very heavy ‘iyong scenes namin. Pero siyempre with the help of veteran actors, thankful talaga ako, kasi gina-guide nila ako.”

Bukod kina Pau, John, at Tanya, tampok din sa Babawiin Ko Ang Lahat sina Carmina Villarroel, Gio Alvarez, Tanya Gomez, Liezel Lopez, Manolo Pedrosa, Dave Bornea, Therese Malvar, Kristoffer Martin, mula sa pamamahala nina Direk Jules Katanyag at Direk Pam Miranas.