Advertisers

Advertisers

Netizens napa-‘wow’ sa kaseksihan ni Andrea Torres

0 254

Advertisers

Ni BKC

NAPA-“sana all” talaga ang fans at netizens sa latest pasabog ng Kapuso actress na si Andrea Torres matapos niyang ibahagi sa social media kamakailan ang kanyang flat abs at mas pina-sexy na figure.

Agad na umani ng positive comments ang post mula sa kapwa niya celebrities at mga tagahanga. Kasama sa mga pumuri kay Andrea ang kanyang fellow Kapuso artists na sina Sanya Lopez, Chynna Ortaleza, Arny Ross, at Gabby Eigenmann.



Samantala, malapit na ring bumalik si Andrea sa TV via the upcoming drama series “The Legal Wives” sa GMA Telebabad. Isa siya sa makakatambal ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo rito. Abangan!

***

Andre Paras at Sef Cadayona, malapit nang mapanood sa ‘Game of the Gens’

KAABANG-abang ang tandem nina Andre Paras at Sef Cadayona bilang hosts ng upcoming game show na ‘Game of the Gens’ sa GMA News TV.

Excited na ang dalawa sa saya at impormasyon na hatid ng show na ang mga maglalaro ay celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon.



“Hindi lang siya magiging game show. ‘Yung mga Kapuso natin na manonood, they will learn a lot. Like ako, born ’95 ako pero mahilig ako sa 60s, 70s music. ‘Yung iba naman mahilig sa fashion,” lahad ni Andre.

Siniguro naman ni Sef na lahat ay mag-e-enjoy sa programa. Aniya, “Di ba may Boomers, may Millennials, Gen Z, Gen X. Very fortunate kami to host sa ganitong klase ng show na pagsasama-samahin namin sila.”

 

Abangan ang ‘Game of the Gens’ malapit na sa GMA News TV!