Advertisers

Advertisers

Lider ng drug group huli sa buy bust

0 246

Advertisers

TIMBOG ang lider ng isang drug group at kanyang live-in partner sa buy-bust operation sa Purok Tulungan, Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Alexander “Alex” Lamping, lider ng Lamping Drug Group na kumikilos sa ikalawang distrito ng Quezon at kabilang sa mga high value target (HVT); at kinakasama nitong si Jennelyn Edrad.
Ayon sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation 6:55 ng umaga. Nakuha sa mag-asawa ang shabu na nagkakahalaga ng P17,952.00, P500 marked money at mga drug paraphernalia.
Pahayag ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, maaaring naidispatsa na ng mga suspek ang malaking bulto ng shabu na nanggaling pa sa Cavite bago pa sila masakote.