Advertisers
PANGUNGUNAHAN ni Southeast Asian Games (SEAG) champion at marathon queen Christine Hallasgo ang training bubble para sa national trackster simula sa Enero 27.
Mula sa kanyang hometown sa Malaybalay, Bukidnon, makakasama ni Hallasgo ang kapwa gold medalist Melvin Calano (javelin) at Sarah Dequinan (heptathlon) at iba pang 17 Filipino athletes.
Ang bubble camp, ay gagawin sa New Clark City athletes stadium, at magtatagal ng 2 buwan at matatapos bago ang Ayala Philippine Athletics Championship sa Marso 19 to 21.
Lahat-lahat, ay umabot sa 20 atleta at anim na coaches ang kasali sa bio-safe facility para paghandaan ang Tokyo Olympics qualifying pati na rin ang Vietnam SEA Games.
Walong iba pang SEA Games medalist ang papasok sa bubble kabilang si Michael del Prado, Francis Medina, Frederick Ramirez, at Joyme Sequita sa relays, Harry Diones (triple jump) Joida Gagnao (steeplechase) Mariano Masano (1,500 meter run) at Janry Ubas (decathlon).
Foreign-based national athletes gaya ni Olympic qualifier Ej Obiena, ang Asian at SEA Games champion, ay tuloy ang training sa kanilang respective camps, ayon sa Philippine Athletics Track and Field Association.
Samantala, sina Eric Cray sa 400m hurdles, Kristina Knott sa sprints at William Morrison ll sa shot put, lahat sila ay naka based sa United States, habang si Obiena ay sa Formia, Italy.