Advertisers
The fundamental cause of the trouble is that in the modern world the stupid are cocksure while the intelligent are full of doubt. — American poet Bertrand Russell
NOONG una, sabi ng Pangulong RODRIGO DUTERTE ay payag daw siyang magpaturok ng bakuna kontra Covid-19, pero ngayon ay hindi na lang muna daw siya dahil ang dapat mauna ay yaong mga FRONTLINER at mahihirap ng Pilipino.
Dangang nga lang ay marami sa ating mga kababayan ang ayaw magpaturok ng alin man sa mga bakunang nagmula sa ibang bansa, partikular na nga iyong galing sa Tsina, na gawa ng Sinovac at pinangalanang Coronavac, dahil na rin sa may mga pagdududa kung ito nga ay epektibo laban sa bagong coronavirus, o ang nCoV, at sanhi na rin ng mga balitang mayroong mga ‘side-effect’ daw ang nasabing na nararanasan ang mga nabakunahan.
Ito rin marahil ang totoong dahilang kung bakit umatras ang pangulo na magpabakuna, sampu na rin ng kanyang mga opisyal sa Gabinete at gayun na rin sa ibang ahensya ng pamahalaan.
Ngayon, kung patuloy na magiging bantulot ang mamamayan sa pagpapabakuna, magkakaroon ng malaking suliranin ang ating pamahalaan: iyan ay kung bibili ba ang bansa ng bakuna o hindi, dahil kung hindi rin naman magagamit ang mga ito–dahil sa agam-agam ng bawat Pinoy na pipigil sa kanyang magpabakuna—mas makakabuti na lang na bumili ng sapat na biling para sa mga nagnanais na paturukan ng anti-Covid-19 vaccine (mula man ito sa Tsina o sa ibang kompanya tulad ng AstraZeneca, BioNTech, Pfizer at iba pa).
Dangan nga lang ay bakit nga ba nagkakagulo sa pagbili ng bakuna at bakit din ba salu-salungat ang impormasyong natatanggap ng taongbayan ukol sa gamot na sinasabing magbibigay ng immunity sa bawat Pinoy laban sa Covid-19?
Alam natin ang kalakaran sa gobyerno. Madalas ay nagkakaroon ng korapsyon sa bilihin ng kung anumang bagay na kailangan par a sa publiko. Tulad din ng mga bakunang iyan—hindi kaya may kikita sa pagbili nito?
Tiyak na kanya-kanyang paggalingan ang mga nagsipaggawa ng bakuna at ang Sinovac, na siyang lumilitaw na paborito ng administrasyong DUTERTE, ay kanya-kanya ring pagsulong ng kanilang produkto para ito ang mabili. Kaya lang ang problema nga ay bantulot ang mga Pinoy sa pagpapabakuna—alin man yan at kung saan mang kompanya nagmula.
Kamakailan lang ay napabalitang nakapagpabakuna na ang mga tauhan ng Presidential Securoity Group at maging ang kumander nitong si Brigadier General JESUS DURANTE III. Sa pananaw naming ay maaaring hindi totoong nagpabakuna na sila at kaya lang ibinalita ang gayon ay dahil paraan din ito para palabasin na ligtas ang bakuna mula sa Tsina kaya mahihimok na ang maraming Pinoy para pagpaturok nito.
Sa bagay na ito ay hindi rin nating puwedeng ipagwalang-bahala o kaya ibigay sa Diyos ang at ating problema at hintayin ang kanyang kasagutan.
Hanggang ngayon ay matindi ang korapsyon sa ating pamahalaan—kahit may banta ang ating pangulo na mananagot sila kapag nahuli. Pero paano naman sila matatakot sa banta ni DIGONG kung ang mga dikit sa dating alkalde ng Davao City ay protektado at hindi nagagalaw dahil taglay nila ang ‘buong tiwala’ ng punong ehekutibo?
Nagtatanong lang po . . .
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!