Advertisers
Patay ang dalawang miyembro ng gun-for-hire group sa naganap na engkuwentro sa Pampanga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Harry Mandahay at Jeffrey Diamada alias Jeff.
Ayon sa ulat, pumalag ang mga suspek nang komprontahin ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa isinasagawang checkpoint sa bahagi ng River Control Road (Mega Dike), Brgy. Cabanetican, Bacolor, Pampanga, 1:45 ng madaling araw nitong Linggo.
Sa report, kapwa namatay sina Mandahay at Diamada nang gumanti ng putok ang mga umaarestong otoridad.
Narekober sa mga nasawi ang cal.45 Remington pistol, cal. 38 revolver, pekeng IDs, 4 sachets ng shabu, improvised car license plates at mobile phones.
“President Rodrigo R Duterte vowed to be relentless in the pursuit of criminals and lawless elements, which is why the PNP is implementing a no let up campaign against terrorist organizations and crime groups, especially those engaged in heinous crime activities and illegal drugs,” mariing ipinahayag ni PNP Chief, Police General Debold M Sinas.
Ayon kay Sinas, lulan ang mga nasawing suspek nang ninakaw na Toyota Altis, na nasailalim ng surveillance at tracking operations ng HPG sa Metro Manila at Central Luzon.
Base sa report buhat kay PNP-HPG Director, Police Brig. Gen Alexander Tagum, sinabi ni Sinas na ang mga nasawi kilalang miyembro ng gun-for-hire at carjacking syndicate na nasa listahan ng Organized Crime Group (OCG) sa pinakabagong 2020 National Validation Workshop ng PNP-HPG.(Gaynor Bonilla)