Advertisers

Advertisers

Sarah proud na marunong na sa gawaing-bahay; Ellen pumiyok na, ‘di type si Derek

0 219

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BUONG ningning na ipinagmamalaki ni Sarah Gereonimo sa kanyang followers na marami na siyang natutunan nang magpakasal na siya kay Matteo Guidicelli.

As in, ibang-iba na nga raw ang buhay nito kaysa dati na single pa siya.



Dahil nangungupahan lang ay natuto si Sarah na mag-budget at kung dati ay okey okey lang, ngayon ay grabe kung pahalagahan nila ang salapi at ‘di basta gumagastos.

Dagdag pa ang pagbida ni Sarah na marunong na ito siya ng mga gawaing bahay.



Pagmamalaki pa ng misis ni Matteo na marunong na raw siyang magluto, maglaba, magplantsa at maglinis.

Biro pa ni Sarah na kapag nagretiro na raw siya sa kanyang karera ay puwede na siyang mamasukan na katulong.



Inip na rin ang fans ni Sarah pati mga friends niya kung kailan na nga ba raw magbubuntis ang Pop Princess para matawag na raw silang one family.

***

ANG larawan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na pinost ni Ruffa Gutierrez ang pinagpipiyestehan ng netizens ngayon.

Dahil sa kulitan nina Derek at Ellen ay napagkamalan na may relasyon ang dalawa.

Pero diniin ni Derek na magkaibigan lang sila ni Ellen.

Kahit nga ang patawag na New Year post dinner ni Derek na hindi nakadalo si Kris Aquino dahil sa pagsumpong ng sakit.

‘Di man nakarating si Kris ay nandun naman sa pa-dinner ang bunsong anak nitong si Bimby.

Napapakamot ng ulo si Derek dahil lahat daw ba ng babaeng makadikit niya ay karelasyon na niya.

Pero matitigil na nga raw ang isyu kina Derek at Ellen dahil nagsalita na umano ang huli.

At ayon kay Ellen, matalik lang daw silang magkaibigan ni Derek at hindi niya ito type.

Well, well, well…’Yun na!