Advertisers

Advertisers

Paul Salas, itataas ang bandera ng ‘Team Frank’ sa The Lost Recipe

0 255

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG  best friend na may lihim na pagtingin kay Mikee Quintos ang role ni Paul Salas sa nalalapit na GMA Public Affairs fantasy-romance series na ‘The Lost Recipe.’ Mapapanood na ito simula ngayong Lunes (January 18) sa GMA News TV.

Huli na raw na mare-realize ng karakter ni Paul na si Frank Vergara na gusto na pala niya si Apple (Mikee) at may ka-kumpetensiya na siya sa katauhan ni Chef Harvey (Kelvin Miranda).



“Kasangga ko po si Apple. Kasi ako ay dating nabu-bully so siya lang talaga ang naging kaibigan ko sa paglaki namin, hanggang sa nagtrabaho na kami together. “Hanggang sa mare-realize niya na may kalaban na pala siya, si Harvey nga. Doon niya lang mare-realize na may pagtingin na pala siya kay Apple dati pa,” kuwento ni Paul.

Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Apple? Mukhang mainit ang magiging paghaharap ng ‘Team Frank’ at ‘Team Harvey’!

Magsisimula na ang tunggalian sa puso ni Apple sa The Lost Recipe ngayong Lunes (January 18) 8 p.m., sa GMA News TV!

***

Kim de Leon at Lexi Gonzales, bibida sa first installment ng ‘My Fantastic Pag-ibig’



Cupid vs. dating app—ano ang mananaig pagdating sa pag-ibig?

Ngayong 2021, abangan ang Starstruck alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romcom series ng GMA Public Affairs na ‘My Fantastic Pag-ibig’ sa GMA News TV.

Sa unang installment nito na ‘Love Wars,’ nanganganib na magunaw ang mundo ng mga kupido dahil sa trending dating app na Matchmaker. Sa kagustuhang ma-rescue ang kanilang mundo, magpapanggap ang karakter ni Kim na si Pido bilang mortal at papasok bilang intern sa kumpanya ng dating app.

Sa kanyang secret mission, makikilala niya si Lovelyn,  ang app developer na gagampanan ni Lexi. Pursigido si Lovelyn na lalong maging successful ang Matchmaker app.

Magtagumpay kaya si Pido sa kanyang misyon? Ano nga ba ang magagawa ng isang kupido sa growing trend of finding love in the digital age?

Kaabang-abang na naman ang bagong program na ito. Abangan ang My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 na sa GMA News TV.