Advertisers
MASIKAP at masipag si Bise Presidente Leni Robredo sa pagganap ng mga tungkulin ng isang lingkod bayan. Pagdating ng mga kalamidad at sakuna, nandiyan ang Bise Presidente; siya ang nangangasiwa, nakikipagkoordinasyon sa mga ahensiya ng gobyerno, at tumutulong mangalap ng kontribusyon mula sa pribadong sektor. Huwag ipaghambing dahil malayong-malayo siya sa batugan na si Rodrigo Duterte na hindi kinakitaan ng tiyaga at kasipagan sa trabaho.
Pumutok ang bulkan, bumagyo ng malakas at umulan, tumaas ang tubig at bumaha, nagkaroon ng landslide, lumindol, at kung ano pa ang dumating – nandiyan ang Pangalawang Pangulo na gumigitna sa kalamidad upang tulungan ang mga biktima. Hindi nakikita si Duterte sa mga sakuna. Hindi siya tumutulong sa mga biktima.
Pinagkatiwalaan ng balana ang Bise Presidente dahil sa angking talino, galing, at kakayahan sa pagmomobilisa ng mga kasama sa gobyerno at pribadong sektor. Alam niya ang trabaho bilang lingkod bayan at mga bagong konsepto sa pagganap ng tungkulin. May puso siya para sa mga mahihirap, o iyong mga tinawag niya na “nasa laylayan ng lipunan.”
Walang dapat patunayan si Leni sapagkat nakita ng bayan kung paano siya nagtrabaho ng walang pag-iimbot. Itinutulak si Leni ng puwersang demokratiko na pumalaot sa halalang pampanguluhan sa 2022 at pangunahan ang oposisyon. Matindi ang hiling dahil sa kanilang pakiwari, tanging si Leni ang may tsansa na manalo laban sa mga masalaping kandidasto ng iba’ibang lapian at pamilyang pulitikal.
May balita kami na bantulot si Leni na sumabak sa 2022. Hindi siya handa na pangunahan ang oposisyon. Bagaman nasa kanya ang utak, galing, at reputasyon, wala ang puso upang makipagtagisan.
Wala siyang salapi upang tustusan ang magastos na halalan. kailangan ng P25 bilyon na pondo sa kampanya upang mayroong fighting chance. Mas gusto ni Leni ang sumabak sa mas mababang posisyon. Basta huwag lang sa pinakamataas.
Kung siya ang tatanungin, mas nais iyang tumakbo bilang gobernador ng kanyang lalawigan. Alam niya na hindi siya matatalo sa Camarines Sur. Kaya niyang gapiin ang mga Villafuerte doon. Tiyak na luluhod sa kanya ang pamilyang matagal na naghari doon.
Hindi namin alam ang dahilan kung bakit alanganin ang Bise Presidente na sumabak sa 2022. Mukhang wala sa halalan ang kanyang puso. Mapapansin na walang paghahanda na sumabak. Kahit 17 buwan na lamang sa halalan, mapapansin na walang ginagawa ang Liberal Party na kanyang pinamumunuan upang maghanda.
Wala siyang binuong komite sa paghahanda; walang nilikom na kontribusyon ang lapian upang magamit sa halalan; at walang gumagawa ng mga anumang paghahanda. Mistulang isang silid na nakapinid ang LP at ang koalisyon ng oposisyon. Walang ibig sabihin ang ganitong sitwasyon kundi walang plano ang Bise Presidente na sumabak. Hindi puede na nakanganga ang lahat sa ikukumpas ng kinikilalang lider ng oposisyon.
Mabango si Leni at iginagalang siya sa iba’t-ibang sektor tulad ng negosyo, akademiko, paggawa, at maging ang militar. May naipundar na magandang reputasyon si Leni. Kahit babae, may imahe siya siya na isang take-charge guy. Kaya niyang gisingin ang natutulog na burukrasya. Malayo siya kay Duterte na larawan ng katamaran. Sayang ang kanyang naipundar kung hindi siya makikipagpukpukan sa 2022.
Hindi mahirap na hirangin na kandidato ng oposisyon si Leni. Sapagkat siya ang pangalawang pangulo, natural na mapunta sa kanya ang paghirang. Sa kanya iikot ang mundo ng oposisyon. Siya ang bato-balani na hihigop sa mga puwersang alanganin kung sino ang susuportahan sa halalan. Hindi mahirap dalhin si Leni; walang Grace Poe na maaaring humati sa puwersa ng oposisyon.
Magkakabitak-bitak ang naghaharing koalisyon dahil sa tunggalian ng ambisyon ng mga pangunahing lider. Nariyan si Sara Duterte ng Davao Group, Manny Pacquiao ng PDP-Laban, Bebot Alvarez ng Reporma, atBongbong Marcos ng Nacionalista. Sasabak ang dalawang Lone Ranger – Ping Lacson at Dick Gordon; malamang humabol si Alan Peter Cayetano sa eksena.
Hindi isang mabigat na suliranin kung ayaw ni Leni na tumakbo. Hindi dapat pinipilit ang isang tao na ayaw pumasok sa magulong buhay. Bilang pamalit, nasa eksena ang ilang haligi ng oposisyon – Frank Drilon at Kiko Pangilinan. Isama si Sonny Trillanes ng Magdalo; palaban si Sonny Trillanes at kaya niyang harapin ang sinuman gigitna sa rueda, kahit boksingero pa siya. Matibay ang kanyang dibdib sa laban at walang kinatatakutan.
Hindi kami kumporme na iwan sa isang komite na binubuo ng mga retiradong lider ang pagpili sa kandidato ng oposisyon. Hindi sila pulitiko at hindi nila kabisado ang pulitika. Hayaan mag-usap ang mga lider ng oposisyon sa payapang paraan. Hayaan magkaroon ng konsultasyon.
***
HINDI kami naniniwala sa sinasabi ni Duterte na hindi dapat pumasok ang kanyang anak na si Sara sa halalang pampanguluhan sa 2022 dahil babae siya at hindi para sa babae ang pulitika. Drama lang ng bangag na lider iyan. Walang ginawa ang batugan na iyan kundi magdrama. Diyan siya magaling.
Tatakbo si Sara. Imposible na walang kandidato ang Davao Group sa 2022. Imposible na hindi galing sa kanilang hanay ang susunod na pangulo. Masyado nilang ginulo ang bayan at marami silang kasalanan. Hindi sila sigurado sa susunod na gobyerno. Malamang na makulong sila kung hindi sa kanila ang susunod na gobyerno.
Istilo ni Duterte ang urong-sulong. Pawang pagkukunwari ang sinasabi niya. Sa totoo, takot na takot siya na mawala sila sa poder. Huwag rin maniwala sa ipinalutang na cha-cha. Panglansi lang iyan. Maigi na ang magkaintindihan.
***
BINUKSAN noong isang araw ang Skyway 3. Tulad ng nakagawian, ginupit ni Duterte ang laso. Pero maigi na ang malinaw kung sino ang nagpagawa ng Skyway 3. Pakibasa ang aking isinulat.
WHERE CREDIT IS DUE
When the PNOY government launched the construction of 17.5 km. Skyway 3 in 2014, traffic jams became the debilitating consequence almost in the entire Metro Manila. Commuters complained bitterly how they came late to their work, or how they could not get a ride for home. They cursed. They ranted. They were mad. Of course, their reactions were justified. Who would not want to go early in their work? Or go home on time to be with their families? They were legitimate grievances.
They showed their anger by voting the madman in the 2016 presidential elections. By all means, their votes could be described as “tantrum votes,” or “boto ng mga barumbado.” They did not know that by avoiding the fire, they went to the frying pan. Now, Skyway 3 is open for the motoring public. One can go to SLEX to NLEX or vice versa in 30 minutes or less. What a big relief. Credit should go to PNoy, not to the madman. Plain and simple. Iyon lang.