Advertisers

Advertisers

Sa kabila ng pandemya, iba pa rin ang pananalig at pananampalataya ng mga Pinoy sa Poong Maykapal

0 1,543

Advertisers

SA kabila ng pandemya, iba pa rin talaga ang mga Pinoy pag-dating sa kanilang pananalig at pananam-palataya sa Poong May-kapal na tanda lang ng kina-gisnang tradisyon at kultura.

Harangan mo man ng sibat o kanyon ay di sagabal sa mga Pinoy lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kanilang dedikasyon at paniniwala sa kanilang kina-mulatang ispirituwal at relihiyon.

Hindi kaila sa ating lahat, ang Pilipinas lang ang bukod-tanging bansa sa Asya na kina-lulugdan ng 80 porsiyentong mga kristiyano at katoliko, katoliko sarado na kandado pa.



Makikita naman natin ang pruweba nito lamang kapistahan ng Itim na Nasareno na kung saan dinumog ito ng sandamakmak na deboto na hindi alintana ang banta ng kasalukuyang pandemya.

Bagama’t maraming pina-patupad na regulasyon ang ating gobyerno hinggil sa banta ng virus, saksi tayong lahat na hindi nasunod ang lahat ng ito partikular na ang social-distancing na isa sa pinaka-mahalagang health protocol.

Maliban sa social-distancing, marami rin sa ating mga kababayang deboto ang hindi na nakuha pang isuot ang kanilang mga face mask at face shield na sina-sabing mandatory.

Wala rin nagawa ang mga awthoridad at organizer ng nasabing okasyon dahil sa buhos at dagsa ng mga nama-manata sa imahen ng Nasareno na umanoy milagroso at mapag-himala lalo na sa kanilang mga karamdaman, estado ng buhay, kahirapan at marami pang iba.

Maliban sa mga nabanggit, wala na rin daw silang pinag-kukunan ng lakas at tibay ng loob lalo na sa panahong ito ng pandemya na lubhang naging perwisyo partikular na sa antas ng kanilang buhay at kalusugan.



Ang bantang ito ng virus ay hindi naging hadlang sa libo-libong deboto sa kabila ng mga babala ng gobyerno hinggil sa pag-sunod sa mga health protocol na mahigpit na ipina-patupad.

Mantakin niyong sa dami ng mga pina-pagbawal na maganap tulad ng prusisyon, traslacion , pahalik pagwagayway ng mga panyo at kung ano-ano pa, dinagsa pa rin ito bilang pag-tupad sa kanilang kina-gisnang tradisyon at kultura.

Kung sa bagay ay karapatan din naman ito ng maski na sinong mamamayan na nag-sasabing bawal ang sinuman ang humadlang sa anumang paniniwala at gawain ng maski na anong sekta at relihiyon kinabi-bilangan.

Separation of the church and state na maliwanag at klarong naka-saad sa ating konstitusyon. Hindi lang natin nasi-siguro kung ano pa ang ibang probisyon na naka-paloob dito lalo na itong panahon ng pandemya.

Ganon pa man ay walang ibang pina-pahiwatig dito sa okasyong ito kundi ang lakas ng pananalig at pananam-palataya ng ating mga kababayan sa Poong May-kapal na may likha ng lahat-lahat sa mundo nating gina-galawan.

Wala naman naging masama sa mga naging kaganapan sa Pista ng Quiapo dangan nga lang ay huwag sana itong maging spreader ng virus gaya ng sina-sabi ng ating gobyerno.

Bahala na daw dahil ang ating Diyos pa rin ang pinaka-makapangyarihan sa lahat at siguradong hindi umano nito pababayaan ang lahat ng naniniwala sa kanya.

Naniniwala rin naman tayo sa sina-sabi at minu-mungkahi ng ating gobyerno na para rin naman sa atin sariling kapakanan. Sa puntong ito, ang paniniwala sa relihiyon at siyensa ang pinag-uusapan na alam nating walang katapusang argumento at diskusyon kapag pinag-talunan he… he… he…