Advertisers

Advertisers

KAMPANYA SA SWAB TESTING, PAIIGTINGIN – ISKO

0 227

Advertisers

NAGPALABAS ng direktiba si Manila Mayor Isko Moreno na paigtingin pa ang kampanya sa swab testing upang mahikayat ang mga residente na sumailalim sa pagsusuri, partikular ang mga bumalik ng Maynila galing sa pagbabakasyon sa labas ng lungsod.

Ayon kay Moreno, ang swab tests ay ginagawa ng mga local health authorities sa iba’t-ibang mga itinakdang lugar at nanatili itong walang bayad para sa mga nag-aakalang sila ay na-exposed sa carriers ng coronavirus at maging sa mga residenteng gusto lamang magkaroon ng kapanatagan ng isip.

Sinabi ng alkalde na sa kasalukuyan ay mahigit 64,000 libreng swab tests na ang naisagawa ng lungsod at tiniyak na magpapatuloy pa ito sa mga susunod na araw.



Katunayan aniya, ang libreng swab tests via drive-thru ay sisimulan na ring ipatupad ng Manila City government sa Lunes at ang testing site nito ay sa Qurino Grandstand sa Luneta.

Ayon kay Moreno, sa 64,000 swab test na kanilang naisagawa, 31,000 ang public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Patuloy rin na dinadala ang libreng swab tests sa mga tahanan ng mga residente, sa pamamagitan ng programa ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Poks Pangan.

Nabatid na sa ilalim ng naturang programa, ang mga health personnel ay nagtutungo sa mga barangay sa lungsod at nagsasagawa ng swab testing para sa mga nais mag-avail nito.

Hinahanap ng mga kawani ng MHD ang mga taong nagbakasyon nitong holiday sa kanilang mga lalawigan at bumalik na sa Maynila.



Samantala, pinuri rin naman ng alkalde si Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso dahil sa mabilis nitong pag-aksiyon sa kaso ng isang 50-anyos na lalaki na napaulat na naninirahan sa isang abandonadong tricycle.

Ayon kay Moreno, ang lalaki ay dinala ng grupo ni Fugoso sa Delpan Quarantine Facility kung saan muna siya isinailalim sa swab test bago tinulungang makauwi sa Samar.

Sinabi ni Fugoso na si Barangay 333 Chairwoman Theresa Cortez ang nagreport ng insidente sa kanya at kaagad naman nila itong inaksiyunan at tiniyak na makakauwi ng ligtas ang lalaki sa kanyang pamilya. (ANDI GARCIA)