Advertisers

Advertisers

Andrei Caracut kasali sa PBA Draft

0 368

Advertisers

ANDREI Caracut ginawang pormal ang kanyang pagpasok sa parating na PBA Rookie Draft nitong Huwebes.

Ang dating UAAP Rookie of the Year ay isinumite ang kanyang application sa PBA office sa Libis kasama ang Virtual Playground talents Tzaddy Rangel at Jun Bonsubre, at ang kanilang agent Charlie Dy.

Ang 24-year old Caracut, ang huling guard na humalo sa loaded aspirants pool bago ang March 14 proceedings.



Ang 5-foot 11 guard ang team captain ng La Salle sa kanyang final year sa UAAP season 82 ay may average na 9.6 points, 4.1 assists at 3.0 rebounds.

Sunod ay naglaro sa San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League at kumulekta ng 2.5 points sa pitong minutong laro bago ang 2019-20 season ay ipinagpaliban dahil sa COVID-19 pndemic.

Ang 6-foot-7 Rangel ay player ng National University at reserved para sa Alab last season.

Samantala, ang 6-foot-5 Bonsubre na naglaro para sa San Beda College ay tinapos ang kanyang season sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Zamboanga Family Sardines.

Sa ngayon ay umabot na sa 40 players ang nagsumite ng kanilang application para sa draft, dalawang Linggo bago ang nakatakdang deadline sa January 27.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">