Advertisers

Advertisers

3 KATAO KABILANG ANG MANAGER NG KOMPANYA AT 77-ANYOS LOLA MAGKAKAHIWALAY NA ITINUMBA

0 278

Advertisers

LAGUNA – Magkakahiwalay na pinaslang ang tatlo katao na kinabibilangan ng isang kilalang negosyante, manager ng isang kompanya, at 77- anyos lola sa lalawigang ito.
Sa inisyal na ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nakilala ang mga pinaslang na sina Manolito Escudero, 61 anyos, may asawa, negosyante, residente ng #92 Barangay Sto Nino San Pedro City; George Parucha Sudario, manager ng Zendengen Company, ng Nuvali Circle, Sta. Rosa, City; at Barbara Cynthia Fernandez, 77, hiwalay sa asawa, ng Brgy. Ibabang Sungi, Liliw.
Ayon sa ulat, tinambangan at napatay ng riding in tandem criminals habang patungo sa kanyang tanggapan si Escudero sa Atienza Compound, National Highway, Brgy. Nueva, San Pedro City 8:40 ng umaga.
Sabang si Sudario naman ay tinambangan habang lulan ng minamanehong SUV (Hyundai Santa Fe) sa Brgy. Pittland, Cabuyao City 4:30 ng Huwebes ng hapon.
Tinadtad naman ng bala mula sa kalibre .45 pistola habang nanonood ng television si Fernandez kasama ang kanyang apong lalaki sa bayan ng Liliw 7:30 ng gabi ng Huwebes.
Nagtamo ng tama ng 10 bala sa kanyang katawan si Fernandez.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa magkakahiwalay na insidenteng ito ng pamamaslang. (DICK GARAY)