Advertisers

Advertisers

Truck nahulog sa bangin: drayber patay

0 243

Advertisers

NASAWI ang isang driver nang mahulog sa bangin ang minamanehong 10-wheeler truck sa Lupon, Davao Oriental, Martes ng umaga.

Binawian ng buhay ang drayber nang maipit sa truck.

Inararo ng truck ang mga tanim at puno sa pagkahulog nito sa tinatayang 70 metro na lalim na bangin sa Barangay Mariano Marcos.



Rumesponde ang mga bumbero sa Davao Oriental, rescuers ng KABALIKAT Mati City, at mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng lalawigan para makuha ang bangkay sa truck.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng disgrasya.