Advertisers

Advertisers

Revival King Jojo Mendrez bagong tinig sa ‘Somewhere in My Past’ ni Julie Vega

0 245

Advertisers

Ni Blessie K. Cirera

KUMPIRMADO! Matapos ang matagal-tagal ding paghahanap, si Revival King Jojo Mendrez na nga ang napili ng composer na si Mon del Rosario para mag-revive ng pinasikat na awitin ng namayapang young actress-singer na si Julie Vega, ang ‘Somewhere in My Past.’

Pormal nang inihayag ni Del Rosario sa pamamagitan ng isang blogcon na pinangasiwaan ng Star Image Artist Management, na si Jojo na nga ang magiging bagong tinig sa hitsong ng bida ng ‘Annaliza’ noong Dekada ’80.



Tsika ng sikat na composer, kaya napili anya niya si Jojo na i-revive ang ‘SIMP’ dahil sa kalidad ng boses at personalidad nito.

Naniniwala si Del Rosario na karapat-dapat talaga na ang tinaguriang Revival King ang magsabuhay ng kanta ni Julie dahil ‘ika nga ay mabibigyan niya ito ng ‘justice.’

Natapos na rin ang haka-haka ng marami hinggil sa pagdalaw ni Jojo sa puntod ng teen actress kamakailan.

Marahil daw ay humihingi ng basbas sabay pasasalamat ni Jojo kay Julie at sa kanya ipinagkatiwala ang kanta nito.

May ‘K’ nga naman na si Jojo ang muling umawit ng ‘Somewhere in My Past’ lalo pa’t siya ang binansagang Revival King na nakasungkit pa ng tropeyo sa PMPC Star Awards for Music nang nakaraang taon sa awiting ‘Handog’ ni Florante.



Inaabangan na ang pagre-record ng ‘Somewhere in My Past’ ni Jojo na sana anya ay matapos na bago ang Araw ng Mga Puso. Ire-release ito sa Spotify, iTunes, Amazon Music at iba pa.