Advertisers

Advertisers

Pulis itinumba ng riding in tandem

0 260

Advertisers

LAGUNA – Nasawi sa ambush ng ‘riding in tandem’ criminals ang isang pulis sa bahagi ng Yulo Road, Barangay Pittland, Cabuyao City nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Gilmore Wasin, hepe ng Cabuyao City Police, nakilala ang nasawi na si Police Officer Christian Ramos, kasalukuyang nakatalaga sa Regional Police Holding Accounting Unit (RPHAU), ng Sitio Laguarta, Calaca, Batangas.

Nabatid na si Ramos ay dating naharap sa kasong Absent Without Leave (AWOL) at masuwerteng nakabalik sa serbisyo.



Sa imbestigasyon ng pulisya, 9:40 ng umaga nitong Huwebes naganap ang pananambang habang sakay ang pulis ng kanyang motorsiklo patungo sa Bgy. Casile nang dikitan ng riding in tandem at pagbabarilin.

Agarang binawian ng buhay ang pulis bunsod ng tinamong mga tama ng bala ng kalibre .45 at 9mm pistola sa kanyang ulo at katawan. Kaagad tumakas ang mga salarin.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya. (DICK GARAY)