Advertisers
LUMAKAS pa ang pagnanais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gawing coinless society ang ating bansa sa mga darating na taon.
Pahayag ito ni BSP Governor Benjamin Diokno, kasunod ng kanilang mga pag-aaral ukol sa kahalagahan ng contactless payment, ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Diokno, mas magiging mabilis ang mga transaksyon at maiiwasan ang hawaan sa pamamagitan ng pera kung may umiiral na sakit sa komunidad.
Agad naman nitong pinawi ang pangamba ng marami ukol sa maliliit na transaksyong ginagamitan ng barya, dahil palalakasin umano ang paggamit ng quick response (QR) codes, kung saan ilalagay ito sa national ID na isinusulong ngayon ng gobyerno.
Target ng BSP na mapairal ang coinless transactions sa taong 2025. (Josephine Patricio)