Advertisers

Advertisers

Pagbili ng mga COVID-19 vaccines ng LGU, pinamamadai ni Sen. Go

0 218

Advertisers

PABOR si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na bumili ang mga local government units ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Go na nakiusap na siya kay Vaccine Czar Carlito Galvez na gumawa ng proseso kung paanong mapapabilis ang pagbili ng mga LGU ng bakuna nang mas mabilis.

Ayon kay Go, kung maaari kapag pasado na sa Food and Drug Administration at mayroon nang Emergency Use Authorization ay puwede nang dumeretsong bumili ang mga LGU ng bakuna.



Kaugnay nito, sinabi ni Go na dapat lang na masiguro ng gobyerno na safe ang bakunang bibilhin gayundin ang ibang available na vaccine para hindi na kailangang mamili ng mga LGU.

Matatandaang dapat sertipikado ng FDA ang mga bakuna bago ito payagang makapasok sa bansa at maging available sa tao. (Mylene Alfonso)